______
"Ba't ngayon ka lang?! Kanina ka pa hinahanap ni Supremo!" Bulyaw nya saken
"May tinapos lang ako. Ba't nya ba ko pinatawag?"
Nagkibit balikat lang ito at pumasok na ko sa kwarto ni supremo.
"Supremo"
Binaba naman nya yung telepono nya at lumingon saken.
"You're always late"
"Pasensya na po. May tinapos lang ako"
Bigla nalang nitong binagsak ang hawak hawak nyang isang folder
"I want you to find him and kill him" maawtoridad nitong utos saken
Lumapit naman ako sa lamesa nya para kunin yung Folder at tinignan yung Profile ng isang lalaki.
Jake Vior Salvador
Nagpaalam naman ako sa kanya at saka lumabas sa opisina nya. Paglabas ko ay bigla nalang akong hinila ng kaisa isang kaibigan ko dito papunta sa rooftop.
"O? Ano? May bagong target ka na naman?" Tanong nito atsaka ako tumango
"Reign, Pwede mo namang itigil na yang ginagawa mo eh, marami ka nang napapatay na tao"
"Kailangan ko itong gawin kristine, Ayokong---
"Ayaw mong madissapoint sayo si supremo? Yan ba talaga ang mahalaga sayo ngayon reign?" Medyo naiinis nyang sabe saken.
Hindi lang naman yun ang dahilan eh.
"Hindi mo ako naiintindihan kristine." Sabe ko at nagsimula ng maglakad
"Yun na nga reign! Di na kita maintindihan ngayon! Ni Hindi na nga kita kilala ngayon!" This time sumisigaw na sya saken, lumingon naman ako dito at makikita mo dito ngayon na galit na sya saken. Sa mga pinag gagagawa ko.
"I'm Sorry" Yun nalang ang lumabas mula sa bibig ko at tuluyan na kong umalis don at hinanap ang taong pinapapatay ni Supremo.
Tumatanaw lang naman ako ng utang na loob kay Supremo kaya ko to ginagawa, kung hindi dahil sa kanya di ako ganito kalakas ngayon, hindi ako ganito katapang ngayon.
Pero iniisip ko din na tama si Kristine, Ni hindi ko na nga din kilala yung sarili ko sa tuwing papatay ako ng tao. Gusto ko naman nang tumigil sa ginagawa kong to eh pero nag hahanap lang ako ng timing.
May tumawag naman saken at agad yong sinagot.
'Hello?'
'Nakuha na po namin sya'
'Good. Kayo ng bahala sa kanya ngayon. Patayin nyo kung gusto nyo, wag nyo lang ipapaalam kay supremo na pinautos ko sa inyo yan kung hindi malilintikan kayong lahat saken.'
'Opo'
'Sige na. Ibababa ko na to'
Di na ko nag abalang maghanap sa lalaking yon. Madami akong tauhan para utusang hanapin sya at patayin sya.
Dumiretso nalang muna ako ngayon sa Cake&Cupcakes Store, Bibili lang ako ng Cake para kay Kristine. Peace Offering, ayokong nagagalit saken si kristine dahil kapatid na ang turing ko sa kanya. Lumabas na ko ng store at dumiretso ng bahay nito.
Pagdating ko don ay naabutan kong bukas ang gate.
Bakit bukas to? Di naman yun mahilig mag iwan na bukas ang gate. Pumasok naman ako at pag dating ko sa sala nya dun tumambad sa harapan ko ang katawan ni kristine na puno ng dugo. Bigla ko na lamang naibagsak yung dala ko at dali daling lumapit sakanya
"Kristine? Kristine gumising ka!!"
"Kristine!!"
Humahagulgol na ko sa iyak dito habang tinatawag ang pangalan nya. Hindi pwede to, Hindi pwedeng mamatay si kristine
"R-re-reign .." Napatingin naman ako sa kanya
"Kristine? Hang on! Dadalhin kita sa Hospital, Di ka pwedeng mamatay!" Bubuhatin ko na sana ito pero pinigilan nya ko
"W-wag na! I-ipa-ipangako mo s-saken na i-ititigil mo na y-yang g-ginagawa mong pa-pagpatay sa mga t-tao, Ha-hayaan mo yu-yung sarili m-mong ma-mamuhay ng normal k-katulad ng i-iba .."
Napapikit nalang ako sa mga sinabe nya saken, at nakita kong bumagsak na yung kamay nya
"kristine? Kristine? Kristine!!!"
Humahagugol lang ako sa iyak.
Ito na ba yung karma ko Sa lahat ng ginagawa ko? Kung alam ko lang na ito yung magiging kapalit hindi na sana ako tumuloy pa.
Wag kang mag alala kristine, tutuparin ko yung mga sinabe mo saken. Ititigil ko na itong ginagawa ko at mamumuhay ng normal katulad nalang ng dati bago pa tayo sumabak sa training. At Sisiguraduhin kong Papatayin ko yung may gawa sayo nito.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017