Chapter 11

3.4K 97 7
                                    

Reign POV

"Oh Reign? Celine? Uh---

"Khloe" Nakangiting pakilala ni khloe kay Zoe nang makarating kami sa bahay

"Hi, By the way-- Ba't nandito kayo? Wala ba kayong pasok?" Nagtatakang tanong nya samen, umupo muna ako sa sofa atska nagsalita si celine

"May pag uusapan daw kasi kami ni reign kaya di na kami nakapasok" Nakakunot noo naman akong tinignan ni zoe

"Reign. Wag mong sabihing tinatamad kang pumasok at nag cutting classes ka, sinama mo pa tong dalawang to!" There she go again -_- Isip ate na naman

"Hindi naman. May pag uusapan tayo"

"Ano yon?" Inabot ko naman sa kanila yung sulat na nakita ko sa locker at bigla namang nanlaki yung mga mata nila

"Anong ibig sabihin nito reign?" Gulat na tanong ni zoe

"Sa tingin ko malaki yung galit ng taong yan saken"

"Anong gagawin mo?" Pagtatanong ni celine

"Hahanapin ko sya. Nagkakamali sila ng binangga."

"Uhh .. Guys, Mawalang galang na ha? Pero ano yung pinag uusapan nyo?" Inosenteng tanong ni khloe samen

"Mas maganda nang wag mo ng alamin, ayokong madamay ka pa" Bigla naman akong tumayo

"Oh? San ka pupunta?" Tanong saken ni zoe

"Dyan lang, mauna na ko!" Pagpapaalam ko at hindi ko na sila inantay na sumagot, pumunta akong parking lot at kinuha at pinaandar ang ducati motor ko

Huminto ako sa isang lumang building na kung tawagin ng mga gangster ay Supreme Gang World o SGW. Sa unang tingin aakalain mong abandonado na ito pero once na pumasok ka na dito dun mo makikita ang kagandahan ng loob nito, Nandito din ang Headquarters kung saan nagtitipon tipon lahat ng magagaling at leader ng isang grupo.

Nagsimula na kong maglakad at pumasok at sa unang hakbang palang makikita mo na ang mga mata nilang namimilog dahil sa gulat. Nakasuot ako ng isang face mask kaya hindi nila makikita o makikila ang tunay kong mukha. Kilala ako dito bilang ACE at dahil na rin sa tattoo ko sa braso at once na makita nila yon alam na nilang ako si ACE ng Blink Gang Group.

'Sh*t pre! Nandito na nga si ACE!'

'Oo nga, tama nga yung usap usapan na hindi sya patay'

'Mabuti naman at nagbalik na sya, kung hindi baka si JB na yung mamuno dito'

'The Queen is Back!'

Napangisi nalang ako sa mga naririnig kong bulong bulungan, sila lang naman nakaisip na tawagin ako ditong Queen dahil nga sa UNO na ang ibig sabihin ay nangunguna ka sa listahan ng mga malalakas dito.

Nagtungo ako sa Headquarters at pag pasok na pag pasok ko ay nakita ko silang gulat na gulat na makitang nandito ako, except for JB the man who doesn't give a damn -_-

"A-ace ..." Sabi ni Bam ng makita ako, At isa ding myembro ng gruoo ni JB

"Sup? Miss me?" Sabi ko, nakita ko namang ngumisi si Jb

"Tss ... Can't you see? Busy kami" Seryosong sabi saken ni Jb kaya napangisi ako

"Ano bang pinag uusapan nyo? Mind if i join?" Nakangisi kong sabi dito

"A-ah ano ... Ano kasi Ace .." Mautal utal na sabi ni Mark

"Were discussing about your replacement" singit ni JB

"Ow! Papalitan na pala ako, Bakit hindi man lang ako na inform?" Sabi ko at biglang nilagay ang kamay ko sa baba ko na para bang nag iisip,

Nabaling ang atensyon namin sa mga taong pumasok sa HQ

Reign AshfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon