Chapter 40

2.6K 58 1
                                    

Reign POV

Tumakbo ako ng tumakbo para hanapin yung sinasabing kwarto ni kyle, Wala ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang kaligtasan ni King ni hindi ko na naisip na buntis ako ngayon at baka kung anong mangyari sa magiging anak namin.

Napahinto ako sa pintuang sinasabi ni kyle hinabol ko naman yung hininga ko at agad na kinuha yung baril. May narinig akong isanv putok ng baril kaya wala na kong nagawa kundi ang sipain yung pintuan.

Tumambad agad sa harap si king na nanghihina na at nakaupo na lamang sa sahig habang nakatutok ang isang baril na hawak ngayon ni liam, Tumingin ito saken kaya tinaas ko yung baril ko para itutok dito nakita ko pa syang ngumiti, unti unti akong pumasok sa loob at tinignan yung paligid. Tanging kaming tatlo lamang ang nandito

"Pakawalan mo sya" Seryosong sabi ko dito, Tumingin ako saglit kay King pero nakayuko lang ito

"Reign, Hindi pa ko nakakapagpakilala sa'yo ng maayos dati kaya magp---" Pinutol ko yung sasabihin nya

"Hindi ako interesado. Pakawalan mo sya, at tayo ang magtuos" Napangisi naman sya sa sinabi ko at nakita si King na nagtatakang tumingin saken. Hindi nya gusto yung sinabi ko

Tinanggal nya ang pagkakatutok kay King at saken ito binaling, Ngumiti sya bago magsalita ulit

"You're braver than i thought Reign. Kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita" Nakangisi nyang sabi saken. Napansin ko namang dahan dahang Gumagalaw si King sa kinauupuan nya at may kinuhang baril galing sa likod nito, Binaling ko agad yung tingin ko sa Liam na 'to bago pa nya mahalatang may ginagawa si King sa likod.

"Ang babaw naman siguro ng dahilan mo para sabihing, gusto mo lang makaganti para sa mga tao mong pinatay ko noon" Nakataas kilay kong pagkakasabi dito, nakita ko namang biglang nagseryoso yung mukha nya.

"Hindi lang yon! Pinatay mo pa ang kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko!" Pasigaw nitong sabi saken

"Si Jake? Dapat lang yon sa kanya." Nakangisi kong sabi dito para maasar sya, Nakita ko namang nang gigigil na sya at gusto na nya kong baril.

"Do it" Seryosong sabi ko at kasabay non ang pag alingaw ngaw ng dalawang ingay ng putok ng baril.

Napahawak ako sa bandang kanan ng dibdib ko dahil naramdaman kong dito tumama yung bala at nakita ko namang unti unting tumumba ang katawan ni Liam sa sahig. Tinignan ko si King at nakita ko syang nakangiti pero agad ding nagbago ng mapansing may mali saken.

"Reign!" Sigaw nya at sa pangalawang pagkakataon nakaramdaman ako ng init mula sa likuran ko, nakitang may binaril mula sa likod si King bago ito makalapit saken. Napaluhod naman ako agad dahil sa panghihina at nag dodoble na yung paningin ko.

Lumapit saken si King at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nakita kong naluluha na ito kaya pinilit kong punasan yung luhang yon at ngumiti.

"Hold on Ok? Dadalhin kita sa hospital. Tulong!" Yun na ang huling narinig ko mula kay King pagkatapos non. Hindi ko na alam kung anong nangyari.

_____

King POV

Agad kong binuhat si Reign ng mawalan ito ng malay, nakita ko namang dumating na dito yung ibang mga kasama namin.

"Anong nangyare?" Natatarantang tanong ni Celine habang hawak ang kamay ng pinsan nya.

"Kailangan na nating umalis, baka maubusan sya ng dugo." Wala sa sarili klng sabi sa kanila, tumakbo ng mabilis sina axel palabas para kunin yung sasakyan. Agad kong hiniga sa likod si Reign at nagmadaling pumunta sa driver seat para umalis, nagsabi din silang susunod nalang sila kaya nauna na ko.

Reign AshfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon