Chapter 16

3.2K 65 1
                                    

Celine POV

Sinundan naman namin si reign papunta sa kwarto nya at agad naming nilock yung pinto.

Inabot ko sa kanya yung envelope at kinuha nya naman yon.

"May party na magaganap mamaya sa hotel nya exactly 8pm" Sabi ko sa kanya habang tinitignan yung mga litratong kuha ko habang minamanman ang bawat kilos nito.

"Thanks Celine, Maghanda kayong dalawa mamaya pupunta tayo sa party nya at magpapanggap na mga waiteress"

"What about the cctv's na nandon? Hindi pwedeng kikilos tayo ng may mg---

"Si Celine na bahala don. May mapa ba kayo sa buong hotel?" Tumango naman ako atsaka binigay yung mapa na nakuha ko kahapon sa staff area.

"Dyan gaganapin yung party mamaya" Tinuro ko yung room na malaki

"Good. Celine ikaw nang bahala sa cctv's area alam kong kayang kaya mong ihandle yon pagkatapos mong mahack lahat ng cctv's sa buong hotel pumunta ka cr para magpalit ng pangwaitress. Ako at si zoe naman bahala sa loob habang ginagawa mo yung trabaho mo. Zoe bantayan mo bawat kilos ng mga tauhan ni Mr. Buenaventura, ako nang bahala mag manman sa kanya." Utos samin ni reign at agad din kaming tumango

"Anong gagawin nyo?" Napatingin naman kami kay khloe na nakapalumbaba habang nakatingin at nakikinig samin.

"Business. Khloe kung pwede dito ka muna sa bahay, pakikiusapan ko si kyle na bantayan ka. Is it ok?" Pakiusap sa kanya ni reign, tumango naman ito

"Ok" Tumayo naman kami at agad na lumabas ng kwarto.

"Hi" Napalingon naman ako sa likod at nakita si axel na nakangiti saken nauna na kasing bumaba sina reign kaya naiwan ako dito sa taas na pababa ng hagdan

"Hi" Bati ko dito at sinabayan ako sa paglalakad

"Anong pinag usapan nyo?" Tanong nito, pumunta naman ako sa kusina nila at kumuha ng tubig. Feel at home ba ko? Hahaha.

"Girls talk lang bakit?"

"Wala, By the way aayain sana kita mamayang gabi mag dinner kung ok lang sayo?" Tanong nito, Aaminin ko may pagkamahangin man minsan si axel but still ang gwapo nya pag napakaseryso ng mukha nya.

"May pupuntahan kami mamaya nila reign, Maybe next time?" Mukha namang nadissapoint yung mukha nya at pilit na ngumiti. Ba't ngayon pa kasi? Kung kelan may gagawin kami mamaya.

"It's ok, Next time? Asahan ko yan" Sabi nya at pumunta sa sala para makipag kulitan sa mga kaibigan nya.

Nakita ko namang papunta dito sina zoe at khloe.

"Uy! Ano Yun? May pagngiti yun ah!" Tinusok tusok naman ako sa tagiliran ni zoe

"Wala! Bakit ba?"

"Napapansin ko madalas kang bukambibig ni axel sa tuwing mag uusap sila ni reign sa room" Namula naman ako sa sinabi nya, Ang OA naman nun.

"Namumula sya oh! Umamin ka nga! May gusto ka ba kay axel?" Tanong ni Zoe kaya napaiwas ako ng tingin sa kanila

"W-wala!"

"Hoy! Anong pinag uusapan nyo dyan?" Pag singit ni reign,

"Si celine may gusto ata kay axe---

"Reign wag kang maniwala dyan!" Pagputol ko sa sasabihin ni zoe, ang ingay talaga nitong babaeng 'to

"Huh? May gusto ka kay Axel?"

"Wala nga!" Nag walk out naman ako at lumabas ng kusina, Di ko naman inaahasan na may nabangga akong bata. Hala! Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan sya sa pagtayo

Reign AshfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon