Celine POV
Pinilit kong buhatin at alalayan si Reign palabas sa Hospital na 'to, Kailangan kong magmadali dahil nauubusan na sya ng dugo.
Sh*t! Wala pa atang dumadaang mga sasakyan dito, nilibot ko yung paningin ko at nakakita ng isang sasakyan, Wait---
Tumingin ako kay reign at kinapkap yung susi ng sasakyan, alam kong sasakyan nya 'to.
Sinakay ko agad sya sa likod at nagmadaling paandarin yung sasakyan papunta sa pinaka malapit na Hospital dito. Di ko na pinark ng maayos yung sasakyan at agad na syang dinala sa emergency area.
"Mam! Dito po!" Inalalayan ako ng mga nurse na ihiga si Reign at sinabing dadalhin nila sa emergency room.
Napaupo nalang ako sa sahig habang umiiyak. Kasalanan ko lahat 'to! Hindi sana mauuwi sa ganito si reign.
"Mam ito po yung phone ng biktima. Paki antay nalang po na lumabas yung doktor" Inabot saken nung nurse yung supot na naglalaman ng phone ni reign kaya agad ko itong kinuha at dinayal yung number ni kyle
'Hello Reign? Where are you? Hello?"
"Kyle, Si Celine 'to'
'Celine, Nasan si Reign? Kasama mo ba sya ngayon?'
'Nasa Hospital ako ngayon. May nangyaring masama kay Reign, Pumunta kayo agad dito. Itetext ko nalang yung pangalan ng Hospital'
Di ko na inantay na sumagot si kyle at saka sya binabaan ng tawag. Tinext ko na din agad yung address ng hospital.
" Ikaw ba ang Guardian nung babaeng nabaril?"
"O-opo Doc, Kamusta na po sya?"
"She's Ok now, Natanggal na namin yung bala sa katawan nya and luckily naisugod mo agad sya dito dahil kung hindi mauubusan sya ng dugo at ikamatay nya pa ito" Bigla naman akong napabuntong hininga ng marinig yon.
"Nasa Private Room na sya ngayon, Pwede mo na syang puntahan" Nagpasalamat ako sa doktor at agad na nagtanong sa nurse kung saan yung room ni reign.
Pagpasok ko mismo sa kwarto nya ay tumambad sa'ken ang nakahimlay na si reign, lumapit ako dito at saka hinawakan yung kamay nya
"Sorry reign, sorry kasi nang dahil saken kaya ka nakahiga dyan ngayon. Ako dapat yung nanjan at hindi ikaw eh" Naluluha kong banggit kahit na alam kong hindi nya ako sasagutin.
Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas at tumambad sina kyle kasama yung mga kaibigan nya, biglang napatakbo si king kaya nilapitan ko muna sina kyle
"What happened?" Tanong saken ni kyle
"Clyde shot her." Nakita ko namang biglang nagbago yung aura nya
"Hindi pa ba nya talaga titigilan si reign?" Galit na banggit nito at balak na nyang umalis ng pigilan ko ito
"Kyle! Patay na si Clyde" Kumunot naman yung noo nito
"What?"
"Napatay sya ni reign kanina. Nagkasabay silang nagpaulan ng bala at saktong tumama yon sa ulo nya" Nilapitan naman ako ni Axel at saka pinaupo.
"Ok ka lang? May masakit ba sa'yo? Sinaktan ka ba nila?" Napangiti nalang ako sa sunod sunod nyang tanong sa'ken at saka hinawakan yung kamay nya
"Ok lang ako" Ngumiti naman ito at tumango, Napalingon naman ako ng lumapit samin si king
"Axel iuwi mo muna si Celine sa bahay" Tumango naman si Axel at saka kami tumayo pero bago pa kami makaalis ng tulayan ay nagsalita ulit si king
"Salamat" Tumango lang ako at umalia na kami. Ako dapat ang magpasalamat kay reign.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017