Chapter 30

2.2K 49 0
                                    

Reign POV

Maaga akong nagising at nag ayos para pumunta kay Tito matt.

"Reign, Sunod ka nalang sa baba" Paalam saken ni kyle, Mag aalmusal na din kasi kami, Lumabas na ko ng kwarto at hindi pa ko nakakalayo ay may biglang humatak saken papasok sa isang kwarto.

"WTF?!" Bulyaw ko ng mapagtanto na si King yung Humila at dinala ako sa kwarto nya.

Imbis na sagutin nya ko ay bigla nya kong niyakap ng mahigpit.

"King" Tawag ko sa pangalan nya

"Let's stay like this for a minute." Hinayaan ko nalang sya sa sinabe nya, I know he feel sorry about what happen last night. Hindi ko naman sinasadyang sabihin sakanya lahat yon nadala lang ako ng Galit at pag alala.

Kumalas ito sa pagkakayakap atsaka ako tinitigan ng diretso

"Sorry about what hap----

"It's ok, Ako dapat ang mag sorry sa'yo. Nag aalala lang naman ako kay daniel at sa Galit ko kay Clyde kaya ko nasabi yon" Sabi ko dito pero umiling lang sya atsaka hinawakan yung magkabila kong braso.

"It's going to be alright, As long as Nagtutulungan tayong mahanap si Daniel. Wag mo lang sana ilagay sa kapahamakan yung sarili mo" Tumango naman ako at Ngumiti

"Ok, Bumaba na tayo at baka inaantay na nila tayo" Ngumiti naman ito atsaka ako hinila palapit sa kanya

"Mamaya na" Halos pabulong nyang sabi saken habang nakatingin ng diretso. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at halos maramdaman ko na yung hininga nya.

"King, Stop it" Pagbabanta ko dito pero mukhang di tumalab sa kanya atsaka ako sinimulang halikan sa noo pababa sa ilong at bigla syang napatingin sa labi ko.

"King" Seryosong sabi ko at nakita ko syang ngumisi atsaka sya unti unting lumayo.

"I remember our first kiss, Sa tuwing maaalala ko yon natatawa ako sa mga nangyari satin." Napairap nalang ako sa sinabi nya. Naalala nya kung paano ako magselos kay Yvonne at kung paano ko sya nilambing nung araw na yon -_-

"And That's the first time you say I love you to me" Nakita ko naman syang ngumiti kaya tinulak ko ito ng bahagya

"Stop it King. Bumaba na tayo" Tumalikod na ko at akmang Bubuksan yung pinto ng Yakapin nya ko ulit

"I love you" Napangiti ako ng ibulong nya yon mismo sa tenga ko kaya humarap ako dito at pinulupot yung braso ko sa leeg nya sabay ngiti.

"I love you too" At pagsabi ko non ay bigla nya kong hinalikan sa noo.

"Let's go? Baka wala nang matirang pagkain Hahahaha" Napatawa nalang ako ng maisip na matatakaw yung mga kaibigan nito.

"Ang tagal nyo naman! Anong ginawa nyo don?" Reklamo samin ni Carl ng makababa kami, Umupo na din ako at nagsimulang kumain

"Wala!" Masungit na sagot ni King

"Oh my god!" Napatingin naman kami kay axel ng bigla bigla itong sumigaw na nakatakip pa sa bibig yung isa nyang kamay

"Bakit? Anong nangyari sa'yo?" Pagtatanong ni Ram dito

"Don't tell me... Oh my god! Are you two making a baby?!" WTF?! Making a baby?!!

"Hoy Axel! Wag mo kong itulad sa'yo na atat na atat!" Sigaw ni king sa kanya, Narinig ko namang Tumawa yung iba

"Wag mo kong sisimulan ngayon Axel" Pagbabanta ko dito at nag peace sign lang ito

"Joke lang naman, Ang tagal nyo kasi sa taas Akala ko may ginagawa na kayong di dapat ginagawa muna ngayon Hahahaha" Siniko naman ito ni Kyle

"Ang Daldal mo kumain ka nalang" Di ko na ito pinansin at kumain nalang

____________

"We have a lead reign kung saan dinala ni Clyde si Daniel" Nandito na ako ngayon sa opisina ni Tito at may inabot itong envelope na agad kong binuksan.

"Nandyan yung address nung Lugar, Papasamahan kita sa mga tauhan ko para tulungan ko"

"No thanks Tito, I can handle it besides Nandyan Si King at sina Tyra"

"You sure? Baka mamaya---

"Tyra will contact you if we need some backups" Tumango naman si Tito, Tinago ko sa jacket yunh envelope.

"Mag iingat kayo don reign" Ngumiti naman ako kay tito

"Opo. Aalis na ko, pupuntahan ko sina tyra ngayon" Tumango lang ito kaya nag madali akong Umalis at dumiretso kina tyra.

Tinext naman ako ni king na nasa mall sya ngayon at nag papasundo, Gusto na daw nyang umuwi. Kasama nya kasi sina carl ngayon na napilitan lang din syang sumama.

Pagdating ko don ay agad ko din naman syang nakita at may dalawang babaeng kumakausao dito. Kelan pa sya namansin ng ibang babae? -_-

Lumapit ako dito at agad na hinawakan yung braso nya na ikinabigla nya.

"Reign, Nandito ka na pala" Gulat nyang sabi kaya ngumiti lang ako

"Bakit? Naistorbo ko ba kayo?"

"Hi!" Bati ko sa dalawa, Hindi ako sanay mamansin ng mga ganito.

"Hindi naman, By the way.. Guys Si Reign nga pala, My Wife" Bigla akong napatingin kay King ng sabihin nya yon dahil miski ako mismo nagulat sa sinabi nya

"Wife? Kelan kayo kinasal? Ikaw King ah! Di mo man lang kami ininvite nila Coach!" Nabaling naman yung atensyon ko sa dalawang babae, at narinig yung tawa nitong katabi ko -_-

"Well actually we're not married yet but Hopefully After graduation." Sabi nito kaya Kinurot ko sya sa tagiliran. Inaasar na naman ako nito -_-

"Hahahaha Akala naman namin kinasal na kayo, But Congratulation parin. Invite mo kami sa Kasal nyo ah? Hahaha We have to go King, May training pa kami" Paalam naman nito dito kaya Tumango lang si king.

Nang makaalis na sila ay agad akong humarap dito.

"What's that? Married? Wife? After graduation?" Pagtataray ko dito, Bat parang di man lang ako nainform nito?

"Hahaha, Baby diba dun din naman patutunguhan non? Look, Ikaw lang ang gusto kong pakasalan at makasama habang buhay" Di ko alam kung maiinis ba ko sa kanya o Kikiligin sa sinabi nya.

"Stop calling me baby. Let's go, We have some business to do" Hinila ko naman ito palabas ng mall

"Ano yon?"

"May binigay na address saken si Supremo at sinabi nyang dun nila dinala si daniel"

"Sigurado ka ba dyan?" Inabot ko naman sa kanya yung Envelope habang nakatingin sa daan. Ako na din nagdrive papunta kina tyra.

"Let's go. Maliligtas na natin yung anak natin" Seryoso nyang sabi kaya napatingin ako ng bahagya dito pero agad ding bumalik sa daan yung tingin.

"Kinacareer mo talaga pagiging Daddy wanna be mo sa kanya ah?"

"Syempre, Tska Nag sasanay lang for the future" Bigla namang nagsalubong yung dalawa kong kilay sa sinabi nya

"Nahawa ka na ba sa ugali ni axel? Habang tumatagal nagiging kaugali mo na sya, Geez!" Natawa nalang ito sa sinabi ko at agad kong pinasok sa parking area yung sasakyan at sabay na kaming lumabas.

"Oh Reign, King" Banggit ni tyra sa pangalan namin

"Where's keith?"

"Nasa basement, Tinatrack parin si daniel"

Inaya ko naman syang sumunod saken doon.

"Keith, Tawagan mo yung mga bata mo" Sabi ko dito atsaka ipinakita sa kanila yung laman ng envelope

"Bigay saken yan ni supremo, sinabi nya na dyan dinala si daniel"

"So what now?"

"Magready na kayo ngayon, Susugod tayo dyan mamayang gabi"



To be continue ...

Reign AshfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon