Chapter 4

4.9K 136 0
                                    

Reign POV

Maaga akong pumasok ngayon at hindi ko alam kung bakit -_- Trip ko lang Pumasok ng maaga, at dahil maaga pa nag libot libot muna ako dito sa school.

Napadpad naman ako dito sa likod ng isang building at napatigil naman ako ng makarinig ako ng isang iyak.

Tinignan ko naman ito at sa di kalayuan nakakita ako ng isang babae at mukhang pamilyar saken ito dahil sa buhok nya. Nilapitan ko ito at nagulat nalang ako na si Khloe pala yung babae

Lumuhod ako dito at hinarap ko sya.

"Hey, what happen?" Pero umiling lang ito, kaya hinawakan ko yung baba nito atsaka tinaas para makita ko ng tuluyan yung mukha nya na ngayon ay magang maga ang kanyang mata.

"Tell me what happen?" Pero imbis na sagutin nya ko ay bigla na lamang nya akong niyakap kaya niyakap ko na din ito

"R-reign..." Iyak nyang tawag sa pangalan ko

"Sssshhhh... Bakit?" Hinagod hagod ko naman yung likod nito, ilang araw palang kaming magkakilala pero ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya.

"N-natatakot a-ako ..."

"Saan? Kanino?"

"Mu-muntik na ni-nila ak-a-akong *sobs* galawin *sobs*" Bigla ko naman itong Hinarap ng marinig ko yon

"Sino?" Seryoso kong tanong dito.

"D-di ko si-sila kilala" naiyukom ko naman yung kamao ko atsaka tumayo at inalalayan syang tumayo

"Let's go, Dadalhin kita sa Clinic" Tumango lang ito at inalalayan ko syang maglakad

Papunta na kami sa clinic nang makasalubong ko si Kyle

"Reign!" Bigla naman itong napatingin sa kasama ko

"Anong nangyare?"

"Mamaya na tayo mag-usap." Atsaka kami pumasok sa loob ng clinic. Inalalayan naman agad ako ng nurse at tinanong kung anong nangyari sinabe ko nalang na nalaglag sya sa puno atska nila ginamot yung ibang mga galos ni Khloe sa katawan. Nagpaalam naman ako sa kanya na may bibilhin lang ako pumayag naman ito atsaka ako lumabas at hinanap yung room ni Kyle.

Nakarating na ko at walang ano ano ay pumasok ako, nabigla naman yung ibang mga estudyante at yung prof. Na ngayon ay nagtuturo.

"Anong kailangan mo Miss?" Tanong saken nung prof. Pero di ko ito pinansin atsaka hinanap si kyle, nahagip ko naman itong nakikipag usap sa mga kaibigan nya. Ang daldal talaga nitong lalaking to -_-

"Kyle!" Napalingon naman ito saken at mukhang gulat na gulat

"Let's Talk." Bigla naman itong tumayo at lumapit saakin, Nagsalita naman agad yung prof. Nila

"What are you doing Mr. Alvarez? May klase ka pa!"

"Shut up Old Man!" Bulyaw ko dito at akmang aalis na kami ng may magsalita sa likod namin

"Sino ka para sigawan si Mr. Ortega?" Nilingon ko naman ito at nakitang yung Lalaki sa parking lot pala yung nagsalita. King ata pangalan nito (?)

Magsasalita na sana ako pero biglang hinawakan ni kyle yung braso ko at nagsalita.

"Ako na." Tumingin naman sya dun sa kaibigan nya

"Sorry Bro!" At tumingin naman sya dun sa Prof. Nila

"Ako na po hihingi ng pasensya Sir. May Emergency lang po kaya kung pwede po excuse muna ako sa klase" Tumango naman yung Prof. Nila at Lumabas na din kami sa classroom

"Reign Sa susunod wag kang basta bastang papasok sa classroom katulad kanina. Pwede mo naman akong tawagan o itext man lang" Napairap naman ako sa sinabi nya, Malay ko bang may Prof. Na sila ? -_-

Reign AshfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon