Reign POV
"Reign!" Napahinto ako sa pagtakbo at nilingon ang taong tumawag saken
"Tyra!" Tumakbo agad ako dito at niyakap sya.
"Ano yung ingay na yon?" Tanong ko dito, dahil mukhang nagkakagulo na dito sa gubat at hindi namin alam kung saan ito nanggagaling.
"Kasama mo ba sina king?"
"Oo, Ano bang nangyayari?"
"We need to find them. Nagkakagulo na sa basement ng Azuma" Sabay hila nito saken papunta sa sinasabi nyang basement.
"Bakit sila nagkakagulo?"
"Tumakas ako sa kanila at nagkataong nakakita ako ng bomba kaya agad ko itong pinasabog sa loob at kumuha ng baril para makalabas dito"
Nagmadali kaming pumunta sa basement ng azuma at pagdating namin don nakita kong may mga nakahandusay na sa sahig, nilibot ko ang paningin ko habang pumapasok kami sa loob.
"Maghiwalay nalang tayo tyra, Hanapin mo si Keith ako naman maghahanap kay King" Tumango ito at pumunta ako sa kabilang daan.
Pinasok ko ang bawat kwarto na madadaanan ko at sa bawat pagpasok ko ay nakakakita ako ng mga gamot at gamit ng hospital. Naguguluhan na tuloy ako kung ano ba talaga ang kailangan saken ng azuma.
May nakita akong itim na pintuan kaya agad akong pumunta dito at dahan dahan itong binuksan, tumambad saken ang iilang computers at ang iba dito ay mukhang monitor ng mga cctv dito sa loob kaya sinarado ko ang pintuan at tinignan ang mga ito.
"King where are you?" Mahinang banggit ko sa sarili. May napansin naman akong isang nakaitim na tayo at patungo ito sa exit. Sya ba ang namumuno dito?
Kinuha ko ang baril ko at agad na lumabas sa kwarto na yon, hinanap ko naman agad yung exit at paglabas ko dito ay agad na tumambad saken ang liwanag. Napaatras ako ng bahagya habang tinatakpan ang ilaw na nakatutok saken.
"Argh!" Napadaing ako agad ng maramdaman ang kong may tumama sa kanang braso ko. Gunshot.
Umatras ako ng umatras at hinanap ang pinto ng exit, Bumaril naman ako kung saan saan dahil hindi ko makita kung anong meron doon.
Binuksan ko agad ang pintuan ng exit at pumasok ulit, nilock ko ito at nagmadaling hanapin sina King. Binaril ko ang bawat tauhan ng azuma na makakasalubong ko, Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa may humila saken papasok sa isang kwarto.
"King!" Tinakpan nya naman yung bibig ko habang nakatingin sa labas, nakita ko naman ang ilang tauhan na dumaan at mukhang hinahanap ako. Nang makasiguro nang wala na sila ay agad ko syang niyakap.
"Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap. Nakita mo ba sina tyra?" Tanong ko dito at saka sya kumalas sa pagkakayakap.
"Hindi ko sila nakita. Look, mukhang hindi lang azuma mafia ang naghahanap sa'yo" Naguluhan naman ako sa sinabi nya.
"What do you mean?"
"May nakita akong isang lalaki na pumasok dito sa loob kaya sinundan ko ito, pinatay nya ang iilang mga tauhan dito at may kung anong kinuha sa isang kwarto. After that, hindi ko na sya nakita" Naalala ko yung nakita ko kanina sa monitor, may isang taong nakaitim na lumabas ng exit.
"Nakita ko sya kanina habang hinahanap kita"
"Nakita mo ba kung anong itsura nya?" Umiling naman ako dito.
"Hindi eh, nakatalikod sya at nakita kong lumabas sya ng exit kaya ko sya sinundan kaso pagdating ko don may ilaw na tumapat saken kaya pumasok ako ulit dito" Napahawak naman ako sa braso ko.
"Anong nagyare dyan?" Tanong nya ng mapansing hinawakan ko ito.
"Nabaril ako kanina habang sinusundan ko yung lalaki" Napadaing ako bigla sa sakit.
"Damn Reign! Lumabas na tayo dito, baka maubusan ka pa ng dugo" Inalalayan nya ko habang ingat na ingat kaming naglalakad palabas.
"King!" Parehas kaming napalingon sa likod at nakita sina Keith habang inaalalayan ngayon si Tyra.
"Let's go. Bago pa nila tayo makita dito" Nagmadali kaming Lumabas, at bago kami tuluyang makalayo ay naghagis ng bomba si keith sa lugar na yon.Tumakbo kami agad at hinanap yung sasakyan.
Pumasok ako sa passenger seat habang sina tyra naman sa likod, Binuhay ni king ang makina ng sasakyan at nagmadaling umalis sa lugar na yon.
"Idadaan muna namin kayo sa hospital" Seryosong sabi ni king habang diretso lang ang tingin sa daan.
Alam kong galit sya ngayon sa'ken at pinipilit nya lang na wag ipakita yon. Nakarating kami ng hospital at agad kaming inasikaso ng mga nurse.
Pagkatapos gamutin ay lumapit saken si king at inabot ang tubig at gamot, nagpaalam naman ito na bibili lang ng pagkain sa labas kaya pinigilan ko ito agad.
"Hey.." Sabi ko dito habang hawak ang braso nya, hindi ito lumingon kaya tumayo ako sa pagkakahiga.
"Are you mad at me?" Tanong ko dito this time nilingon na nya ko at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi" Simpleng sagot nito sa'ken, balak nya na sanang bitawan yung kamay ko ng pigilan ko ito.
"Sorry" Nakayuko kong sabi dito, Alam kong nag aalala lang sya sa kalagayan ko ngayon, at ayaw nya pa kong sumugod dun sa gubat ng mag isa
"Kakagaling mo lang sa hospital reign, nagpapagaling ka pa tapos ngayon nadagdagan na naman" Sabi nito habang may inis sa tono ng boses nya.
"Ayoko lang na may ibang mangyari kay tyra" Napalapit na sa'ken si tyra simula nung sabihin nya saken na pinababantay ako sa kanya ni tito matt.
Napabuntong hininga nalang ito at saka ako tinabihan sa pagkakaupo.
"Magpagaling ka muna, hayaan mong ako muna ang hahanap sa leader ng azuma"
"But---"
"No but's Reign. Kakausapin ko tungkol dito si supremo, at kikilos ako kasama sina kyle para mapadali kaming mahanap ito"
"Mapipigilan ba kita?" Umiling at ngumiti naman ito
"Hindi" Hinalikan ako nito sa noo, at sinabing bibili lang ng pagkain sa labas kasama si keith.
Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto para puntahan si tyra. Pagpasok ko naabutan ko naman itong nakahiga.
"Kaya pa?" Pang asar nito saken, alam nya pa kasing pinag papahinga ako ng doktor tapos ngayon dinagdagan ko pa.
"Baliw!" Umupo ako sa gilid ng kama nya, tumayo naman ito sa pagkakahiga.
"May nabanggit si keith kanina na may nakita syang isang lalaki na pumasok at pinagbabaril yung mga tauhan ng azuma sa loob" Sabi nito saken kaya tumango lang ako
"Nasabi din ni king at nakita ko din. Sinundan ko sya kanina nung lumabas sya ng Exit pero hindi ko maaninag yung dulo dahil may ilaw na tumapat sa mukha ko at binaril ako sa braso"
"Sa tingin mo involve kaya sya sa azuma?"
"I don't think so, gaya nga ng sabi nila king pinatay nya yung mga tauhan ng azuma sa loob. Sa tingin ko may ibang pakay sya sa azuma"
"Hindi kaya palabas lang nya yon? Napaisip naman ako sa sinabi nya.
Kung yung nangyari nga kanina ay patibong lang, posible lang din na ginawa nya lang palabas yung mga kinilos nya kanina.Gusto kong malaman kung sino ba talaga sya, at nagsakripisyo pa syang patayin yung mga tauhan nya para sa palabas nya.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017