Reign POV
*knock*
*knock*"Young Lady?"
Napamulat naman ako sa pagkakatulog ko.
"What?"
"Gumising na daw po kayo sabi ng daddy nyo" Ang hilig nya talaga kong ipagising -_-
"Ok"
Bumangon na ko at dumiretso ng banyo para maligo. May pasok ako ngayon at gawa ng ipinangako ko kay Kristine, Iniwan ko ang pagiging assassin ko at hindi si Supremo ang masusunod kung anong magiging desisyon ko sa lahat.
Bumaba na ko at naabutan ko si dad na kumakaen.
"Oh anak? Ready ka na ba sa bago mong School?" Si Dad na yung nag asikaso sa lahat ng kakailangan ko sa bagong school na papasukan ko.
"Yeah .."
"Don't worry princess, Kumpare ko ang may ari ng school na yon" tumango nalang ako at sumabay na sa kanya sa pagkain.
"I'll go ahead dad" lumapit ako dito atsaka hinalikan ito sa pisngi.
"Ok, Goodluck on your first day"
Lumabas na ko at nagpahatid lang ako sa driver namin, and im wearing black jacket, black pants and a converse high naglagay din ako ng black face mask.
Nakarating din kami sa school na papasukan ko, sinabihan ko nalang yung driver na itetext ko nalang sya pag magpapasundo ako sa kanya, lumabas na ko and im amaze that this school is big.
Nagsimula na kong maglakad papasok at di pa ko nakakarating sa paroroonan ko nakarinig na ko ng bulung-bulungan
'OMG! Who's that?'
'Maybe some scholar sa school!'
'Eww! What's with the outfit?!'Di ko nalang ito pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad.
Nasa hallway na ko ng marealize ko na hindi ko alam kung saang room ako pupunta -_- Great!
Nagulat naman ako ng may magsalita sa likod ko.
"Naliligaw ka miss?"
lumingon naman ako at nakita ko ang isang magandang babae na nakangiti saken
"Transferee?" Tanong ulit nito saken kaya tumango ako
"Sumunod ka saken" Sumunod naman ako dito
"By the way, my name is Khloe Suarez. Ikaw?" Tumingin naman ako dito at nakita itong nag aantay ng sagot ko
"Reign" Tumango tango naman ito at huminto kami sa isang pinto
"Kunin mo dyan yung schedule at room # mo"
"Salamat" Nagpasalamat naman ako dito di naman ako masama para hindi pasalamatan yung taong tumulong saken para makapunta dito.
Ngumiti naman ito at sumenyas na pumasok na ko. Pagpasok ko agad ko namang nakita ang isang may edad na babae.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017