King POV
Hinanap ko naman agad si reign pagkatapos naming mag usap ni kyle. I should have talk to her right now and say sorry.
Nakita ko naman ito sa di kalayuan kausap ang isang lalaki. Who the hell is that?!
Lumapit ako dito at walang ano ano ay hinawakan ko yung bewang nya at bahagyang hinigit palapit sa'ken. Nakita ko namang tumingin ito saken at gulat na gulat sa ginawa ko but i smiled to her and face this guy.
"What do you want from her?" Diretso kong tanong sa lalaking 'to
"She caught my attention, i just wanted to know if----
Di ko na sya pinatapos magsalita at nagsalita na ko
"She's already married dude" Di na ito nagsalita at bigla nalang umalis.
Napatingin naman ako kay reign ng bigla nyang alisin yung braso kong nakapalupot sa bewang nya.
"What are you doing?" Nakakunot noo nyang tanong sa'ken. I guess she hated me already.
"Let's talk" Hinila ko naman yung braso nya pero agad nya itong binawi.
"Importante ba yan? We can talk here" Sabi nya ng hindi man lang ako tinitignan. Napabuntong hininga naman ako bago magsalita.
"Let's talk in private, Reign" Napataas naman yung isa nyang kilay sabay tingin saken
"Ayoko, Baka hanap----
Hindi na nya tinapos yung sasabihin nya atsaka ko nalang sya binuhat na parang bigas papunta sa Fave. Place ko dito sa resort namin.
"A-ano ba! Bitawan mo nga ko!"
"Hoy! Kidnapping 'to ah!"
"Tulong!" Inis na reklamo nya habang hinahampas yung likod ko.
"Walang makakarinig sa'yo dito kahit sumigaw ka pa" Sabi ko atsaka sya binaba ng makarating kami sa mini house na pinatayo ko talaga dito.
"Ibalik mo na nga ko sa resort!" Sigaw nya at lalakad na sana papunta sa pinto ng bigla kong hawakan yung braso nya at saka hinarap sa'ken.
"I'm Sorry" Natahimik naman ito atsaka ako tinitigan.
"Sorry for what?"
"Sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo these past few days, alam kong nabigla ka sa biglaang pag iwas ko sayo"
"You don't need to be sorry. It's nothing." Walang emosyon nyang sabi, Aalis na sana ito ng bigla ko syang hinatak palapit sa'ken. Mukha naman itong nagulat dahil sa sobrang lapit ng mukha naman sa isa't isa.
God! I miss her! Nung mga panahong iniiwasan ko sya, God knows how much i wanted to be with her. How much i wanted to help her nung araw na napaaway sya sa campus at tinulungan si yvonne, pero isinantabi ko yung nararamdaman ko just to protect her.
Nakita ko namang may pumatak na luha sa pisngi nya. Is she crying? Ganun ko na ba talaga sya nasaktan? Damn!
"Hey, Stop Crying" Pinunasan ko naman yung luha nya atsaka nya ako hinampas ng marahan.
"Ano bang problema mo? Nitong mga nakaraang araw halos parang anino lang ako sayo tapos ngayon eto? Pinag lalaruan mo lang ba ko?" Naiiyak nyang sabi kaya niyakap ko ito ng mahigpit.
"No. Hinding hindi ko gagawin yon. Kung alam mo lang kung gaano kitang Sobrang namiss, May rason ako kung bakit ko ginawa yon reign" Kunalas sya sa pagkakayakap atsaka ako hinarap
"Ano?" Ayoko mang sabihin pa sa kanya ngayon pero wala na kong ibang magagawa. Alam kong malalaman at malalaman nya din 'to.
"Nakita ko kasing nagkita sina Clyde at yvonne sa labas ng school. Palabas na sana ako no'n ng marinig kong nag uusap silang dalawa, dun ko narinig na kasabwat ng Azuma si Clyde at ng grupo nya at inutusan nya si yvonne na bantayan ang bawat kilos mo. Kaya wala akong ibang magawa kundi ang mapalapit ulit kay yvonne para makakuha ng impormasyon tungkol sa Azuma at para Protektahan ka"
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017