Chapter 26

2.1K 55 2
                                    

Reign POV

"What the hell?! Ba't ganyan suot mo?" Bulyaw ni Lawrence kay zoe ng makalabas kami at pumunta sa gawi nila.

"What? Maliligo kami. Pake mo ba?" Pagtataray ni zoe dito, napasapo nalang sa noo nya si lawrence at umiling

"Babe, Baka mamaya manyakin ka dyan ng ibang lalaki. Magpalit ka na don please?" Nanlaki naman bigla yung mata ko ng tawagin nyang "Babe" si zoe

"WTF?! Babe? Eww! Tara na nga Celine!" Bigla namang hinatak ni zoe si celine kasama si khloe at naiwan kaming dalawa ni tyra dito.

"Buti hindi ganun yung suot mo reign" Napatingin naman ako kay Axel ng magsalita ito.

"I don't want to expose my body." Nilapitan naman ako ni Kyle atsaka ginulo yung buhok ko.

"Good" Bigla ko namang inalis yung kamay nya sa ulo ko at sinamaan sya ng tingin.

"By the way, nasaan si King? Kanina pa syang wala dito ah?" Pagtatanong ni Ram sa kanila.

"Tinutulong si Yvonne magluto. Nag insist kasi si yvonne na sya nalang mag luluto ng lunch ngayon" Napairap nalang ako sa sinabi ni carl. Bigla namang lumapit si tyra saken atsaka bumulong

"What was that? King and that b*tch again?" Napangisi nalang ako sa sinabi nya at tumango.

"Oy ano yan? Magkasundo na kayo?" Turo saming dalawa ni Nathan. Napalingon kami sa isa't isa at sabay na natawa at tumango.

"Nilapitan ka na ba ng anghel tyra at nagkasundo na kayo?" Napairap naman sya ng sabihin yon ni Lawrence.

"Demonyo lumapit saken, and its a long story kaya wag na kayong magtanon" Pagtataray nito at itinaas lang ni lawrence yung dalawa nyang kamay na nagsasabing suko na sya. Hahahaha.

_________

Hours passed, Pagabi na din kaya naglakad lakad muna ako dito sa dagat para makita yung paglubog ng sunset.

Umupo ako sa buhangin at nilasap ang simoy ng hangin. Ang peaceful talaga dito, Mukhang babalikan ko 'tong beach na 'to.

Habang tahimik kong pinagmamasdan yung sunset, nabaling ang atensyon ko sa ingay na naririnig ko. Lumingon ako at bigla akong napatulala sa nakita ko, naramdaman ko namang may mga luhang bumagsak sa pisngi ko.

They're Kissing. He's kissing her. Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko, Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Bakit nya ba ginagawa 'to sa'ken?

Nabigla ako ng may humigit sa braso ko atsaka ako hinalikan. Nanlaki agad yung mata ko ng makita si kyle ito, Wala akong ibang magawa kundi ang titigan sya.

"Re-reign? Kyle?" Pareho kaming napalingon ng bigla kaming tawagin ni Yvonne. Mukha naman itong nashock sa nakita nya, Tinignan ko naman si King at nakitang ang sama ng tingin nito kay kyle.

"Aalis na ko" Walang ano ano ay bigla akong umalis sa harap nila at nagmadaling bumalik sa kwarto.

"Reign? What happen?" Lumapit sa'ken si Khloe at hinawakan ang balikat ko.

Bigla namang nanlambot yung binti ko kaya napaupo ako.

"Guy!" Tawag ni Khloe sa iba, Nagulat naman sila ng makita nila akong Umiiyak. Agad silang lunapit at pinalibutan ako.

"Anong nangyare?" Tanong ni Zoe kay khloe

"Hindi ko alam, Pag pasok nya ganyan na sya. Reign Ano bang nangyare?" Imbis na sagutin ko sila ay umiling nalang ako atsaka tinago ang mukha.

Umiiyak lang ako ng umiiyak. I think this is the best way to relice my pain.

"Reign dahil ba 'to kay King?" Napatingin naman ako kay khloe ng tanungin nya yon. They look so worried right now, even tyra.

Reign AshfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon