Reign POV
"Spill it Ty" Sabi ko ng makapasok kami sa kwarto. Nilock ko ito just in case na may pumasok.
"May nag emailed saken kanina. May pinadalang picture" sabi nya at kinuha yung laptop para ipakita saken.
Isang picture ng nakagapos na lalaki, duguan habang nakaupo sa isang upuan.
"Kilala mo ba sya?" Napatingin ako kay tyra ng tanungin nya ito. Tinitigan ko ng mabuti yung lalaki, dahil sa dami ng dugo nito sa mukha ay halos di mo na sya makilala.
"He's one of the gangster in SGW" Nakikilala ko pa naman yung lalaki, at madalas ko itong makita dati.
"Ano ng gagawin mo? Mukhang balak ubusin ng taong 'to lahat ng mga gangster sa SGW or worst baka pati Assassin's ni Supremo Isama nito" Naiyukom ko nalang yung kamay ko. Nandadamay sila ng mga taong wala namang kinalaman dito.
"Ako ng bahala dito. Tayo tayo lang muna ang makakaalam sa nangyari"
"Reign di ko naman hahayan----
"Just do what i say. Ayokong may ibang madamay pa dito. Wag sila. Wag kayo." Madiing sabi ko kay tyra. Di na din sya nagpaawat dahil alam nya kung gaano katigas ang ulo ko.
I have to do something.Kailangan ko ng kumilos ngayon bago pa maubos lahat ng mga tao sa SGW.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ang iba sa labas, habang naglalaro ng volley ball.
"Reign!" Tawag saken nila khloe at kinawayan ako. Ngumiti lang ako at umupos sa batuhan para manood.
"Di ka sasali?" Tanong saken ni Celine. Umiling lang ako at tinulak sya pabalik sa mga kateam nya.
Kasamang maglaro nila celine sina Nathan, axel, ram, carl,lawrence at kyle. Di ko naman makita dito si King pero nakikita ko si yvonne na palapit sa pwesto ko.
"Hi" Bati nito habang nakangiti. Nginitian ko pang ito ng pilit at binaling ulit ang tingin kina khloe.
"Congrat's nga pala sa inyo ni kyle" Sabi nito pero hindi ko sya tinitignan.
"Hindi naman kami"
"Ha? Kakasabi nya lang na kayo na. Balak ka pa nga nyang pakasalan after graduation" Napangisi nalang ako atsaka ito tinignan.
"Hindi lahat ng mga sinasabi ng iba ay totoo." Wala talaga kong balak makipag usap dito, after kong malaman na may alam sya sa Azuma.
"So, Hindi totoo lahat ng sinabi ni kyle? How come?"
"Mind your own business."
"Sorry" Di ko nalang ito pinasin, pero nagsalita ulit ito.
"May galit ka ba sa'ken?" Tinignan ko naman ito.
"Meron nga ba?" Patanong kong sagot dito atsaka sya iniwan don at pumunta kina kyle na ngayon ay nagpapahinga.
"Close na kayo?" Bungad na tanong saken ni axel
"Sa tingin mo makakasundo ni reign yon?" Tanong ni celine dito. Kaya natawa kami ng konti.
"Kukuha lang kami ng snacks sa loob" Nagpaalam muna samin sina nathan at khloe.
"Nasan nga pala si king?" Tanong samin ni Ram pero walang kumibo kahit isa samin
"Nandito na ko. Bakit?" Napatingin kami sa kakadating lang na si King, Lumingo ito saglit sa'ken atsaka tumabi sa tabi ko.
"San ka galing? Ba't bigla bigla ka nalang nawawala?"
"May inasikaso lang ako."
"Lagi ka namang may inaasikaso" Sabi ni Axel sabat pabirong umirap kaya Tinadyakan sya bahagya ni King.
Dumating na din naman sina Nathan at salo salo kaming kumaen hanggang sa may dumating na di kaaya aya sa paningin.
"King!" Tawag nito kaya napalingon dito si King, lumapit naman ito kay king.
"Oh? San ka galing?"
"Dyan lang nagpahangin" Nakangiting banggit nito dito. Napairap nalang ako at umusog ng konti kay kyle.
"Selos ka na naman?" Natatawang sabi saken ni kyle kaya siniko ko sya.
"Hindi" Tumawa lang ito atsaka ako inakbayan.
"Susunduin kita mamaya. May ipapakita ako sa'yo" nakangiti nyang banggit kaya ngumiti ako at tumango.
"Ehem! Mukhang nagkakamabutihan na yung dalawa dyan oh!" Napatingin naman kay Carl ng magsalita ito, Binatukan naman sya agad ni kyle kaya nagtawanan kami.
Bigla namang tumunog yung phone ko kaya nagpaalam ako sa kanila na sasagutin ko muna
'Bakit?' Si keith kasi yung tumawag.
'Reign...' Banggit nito sa pangalan kaya. Di ko alam pero bigla akong kinabahan.
'Bakit nga?!'
'Si Daniel n-nawawala' Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko ng sabihin nya yon, Naiyukom ko agad yung kamao ko.
'Nasan kayo ngayon?!'
'Nasa basement. Tinatrack namin ngayon si daniel'
'Wag kayong aalis dyan! Pupunta ako'
Di ko na inantay na magsalita si kieth at agad na binaba yung tawag at dumiretso sa kwarto para mag impake. Naabutan ko naman sa kwarto si tyra
"What happened? Ba't nag iimpale ka na?"
"Nawawala si daniel. Wala akong panahon para magsaya dito habang yung bata nawawala!"
"What?! Te-teka, Alam na ba nila 'to?"
"Hindi. Mauuna na ko sa inyo" Sinarado ko yung zipper at Lumabas na ng kwarto. Hinabol naman ako ni tyra para pigilan.
"Reign!" Sigaw nya, napahinto naman ako ng makasalubong ko sina kyle.
"San ka pupunta?"
"Kailangan ko nang umalis ngayon."
"Bakit?" Napatingin naman ako ng magtanong si King.
Tinitigan ko sya hanggang sa bumagsak na ng tuluyan yung mga luha ko, naibagsak ko din ang bagpack na dala ko ngayon. Nanlaki agad yung mata nya at agad akong Niyakap.
"Anong nangyari?"
"Si Daniel..."
"Anong nangyari sa kanya?"
"N-na-nawawala daw sya" Nabigla naman yung iba sa sinabi ko at kumalas agad sa pagkakayakap.
"What?!" Bulyaw nila Zoe
"I- i have to go. Kailangan kong mahanap si Daniel" Kinuha ko yung bagpack ko, aalis na sana ako ng may humawak sa braso ko.
"Sasama ako" Sabi sa'ken ni King, Ngumiti naman ako at tumango pero bigla syang pinigilan ni yvonne
"King, iiw---
Di nya pinatapos yung sasabihin ni yvonne at bigla syang nagsalita
"Nawawala yung anak namin. Mas importante sya kesa sa'yo!" Napatahimik naman kami sa sinabi ni King. WTF? Anak? Bwiset! Masyado nyang kinarir yung pagiging Daddy Wanna be nya -_-
"Let's go" Bigla nya kong hinila at iniwan ang iba sa loob. Pinasakay na nya ko sa sasakyan at pinaandar na nya ng mabilis.
Naramdaman ko namang hinawakan ni king yung kamay ko kaya napatingin ako dito, Sumulyap sya saglit bago magsalita.
"It's going to be alright. Kilala natin si daniel. Nandito lang ako, di ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya" Napangiti naman sa sinabi nya. Alam na alam nya talaga kung paano ako pangingitiin at pakakalmahin.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017