Reign POV
"Young Lady, ito na po yung mga pinapahanap nyo" Tumingin ako kay Butler Ken na kakapasok lang sa off
"Thanks, Pakitimpla naman ako ng kape" nagbow ito bago lumabas ng office ko
Agad ko namang nilabas yung laman ng envelope at kinalat sa mesa ko. Mga litrato ito ng mga patay na gangster ng SGW
Isa isa kong tinitigan lahat ng mga litrato hanggang sa may mapansin akong kakaiba. May mga anino ito ng isang babae, Sa katawan at buhok palang nito alam kong babae na ito. But How come? Babae ang namumuno sa azuma mafia?
Napatingin naman ako sa taong pumasok sa opisina ko, nilapag naman ni ken yung tasa ng kape
"Thanks. Before you leave make sure to lock the door, ayokong may ibang papasok at iistorbo saken dito" Nagbow ulit ito at lumabas na ng opisina ko.
Kinuha ko naman agad yung laptop at nagsearch tungkol sa azuma.
'Azuma Mafia's Heir' Pinindot ko ito at tumambad dito ang isang litrato ng taong nakamaskara. I can't tell kung lalaki sya o babae dahil nakaclose up yung picture at balot ang buong mukha nito ng maskara pero yung mata nya. Pamilyar saken yung mata nya.
Agad ko namang tinawagan si keith.
'Reign?'
'Pumunta ka ngayon dito. May ipapakita ako sa'yo'
'Sige, i'll be there'
Sa ganitong bagay ko mapagkakatiwalaan si keith, hindi ako nagdadalawang isip na humingi ng tulong sa kanya. Wala pa man ding isang oras ng makarating ito at sinabihan ko sya na ilock yung pinto.
"Bakit mo ko pinapunta?"
"Here" Inabot ko sa kanya yung mga litrato at tinignan naman nya ito
"Ano 'to?"
"Look closely. Napansin mo ba yung anino ng isang babae sa bawat litrato?" Tinitigan nya ulit isa isa atsaka tumango
"Sa tingin mo, May kinalaman kaya sya sa azuma mafia?"
"Ha? Imposible. Tska imposible ding sya yung namumuno sa azuma dahil nakatanggap ako ng balita na lalaki ang namumuno dito"
"What do you mean?"
"May mga tauhan tayong nagmamanman sa loob ng azuma at sinabi nilang lalaki ang namumuno dito. May pasugalan din ang azuma sa mga casino at most wanted din ang ibang mga gang dahil sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot at isa pa..."
"Ano?"
"...Hindi din totoong nasa japan ang pinaka kuta ng Azuma mafia. Nasa pilipinas ito at ang sinasabing kuta nila sa japan ay isang malaking basement kung saan doon nagaganap ang mga laban ng nga gang at doon din nakatago lahat ng armas na ginagamit nila sa pagpatay ng mga inosenteng tao"
Naiyukom ko naman agad yung kamao ko.
"So lahat ng mga impormasyon noon ay palabas lang nila?"
"Ganun na nga, Mukhang nakatunog na ata sila na hinahanap mo na din sila ngayon"
"Keith, Gusto kong sanayin mo lahat ng mga tauhan natin. Magpaplano ako kung pano natin masusugod yung kuta nila. Wag ka ding titigil kakahanap ng mga baging impormasyon tungkol sa kanila at alamin mo din kung saan sa pilipinas ang base ng Azuma Mafia. Pag nasiguro ko nang Maayos na ang lahat, Doon tayo susugod"
Tumango tango naman ito atsaka nag salita
"Pano yung problema mo kay ram? Nagka ayos na ba kayo?"
"Hindi pa. Ako nang bahala don basta gawin mo nalang yung mga sinabi ko" Tumango ito at nagpaalam ng aalis na.
Kinuha ko naman yung mga litrato at inilagay sa Pin board ko, Sinarado ko na din yung Laptop atsaka lumabas ng opisina.
Naabutan ko namang nag aagahan si celine at mukhang napansin nya ko
"Oh? Kanina ka pang gising? Anong ginagawa mo don?" Lumapit ako dito at sinabayan sya sa pagkain
"May inasikaso lang ako"
"Hmm.. Magbihis ka na sa taas, Papasok na tayo" Ngumiti ako at tumango.
Umakyat ako sa taas atsaka nagpalit ng damit pagkatapos non ay bumaba na ko.
"Papahatid tayo?" Tanong nya ng makalabas kami ng bahay
"Yep, tinatamad akong magdrive" Tumango lang ito at huminto na sa harap namin yung van kaya pumasok na kami at dumiretso sa school.
Hindi naman nagtagal yung byahe dahil maaga pa ngayon at wala pang traffic kaya nakarating kami agad. Naglalakad na kami sa hallway ng magsalita ito
"Oh? Sina axel" Napalingon naman ako at nakita yung pito na kakapasok lang din
"Ah, Celine Mag ccr lang muna ako" Tumango naman ito kaya nagmadali akong pumunta sa classroom. Pagpasok ko doon ay wala pang tao kaya minabuti ko munang matulog at magpahinga.
King POV
"Celine, Kasama mo ba si reign ngayon?" Pagtatanong ko sa kanya
"Oo, Nag cr lang daw muna sya" Ngumiti naman ako at nagpaalam sa kanila na aalis muna. Alam kong hindi cr ang pupuntahan non kaya dumiretso ako sa room namin at don ko sya nakitang mahimbing na natutulog
Dahan dahan akong lumapit dito at kumuha ng upuan at inilagay sa harapan nya at pinagmasdan ko lang ito, Hindi na din ako nag abalang Gisingin sya dahil ayaw nyang iniistorbo sya kapag tulog.
Sa dami ng mga nagyayari sa kanya ngayon niisa doon wala pa syang sinukuan. Parang wala nalang din sa kanya kapag napapaaway o nabubugbog sya, Wala nga ata sa bokabularyo nya yung salitang pagsuko eh.
I envy this woman infront of me, Sa dami ng napagdaanan nya nagagawa nya pa din ngumiti kahit papano. She maybe Cold to others pero pagdating samin lalo na kay daniel nag iiba yung ugali nya.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Nabigla naman ako ng magsalita ito at nakita ko syang nakadilat na
"Ha? Wala!"
"Baliw" Tinignan ko naman ito sabay turo sa sarili ko
"Ako? Baliw?"
"Oo, Ngumingiti ka ng walang dahilan"
"Baliw agad porket ganun lang? Hindi ba pwedeng kapag nakikita kita kusa nalang akong napapangiti" Nag iwas naman ito ng tingin kaya ako napangiti
"Kinikilig sya" Pang asar ko dito pero inirapan nya lang ako
"Hindi ah!" Natawa nalang ako sa inakto nya
"Kamusta na pala si daniel?" Pag iiba nya ng usapan
"Umiiyak kagabi, Inantay ka nya" Naayuko naman ito agad, hinawakan ko yung baba nya atsaka sya tinignan
"Hindi mo naman sinasadya yung mga nangyare sa kuya ni ram alam kong may dahilan kung mo yon ginawa" Ngumisi naman ito at pabirong tinabig yung kamay ko
"Kung hindi ko yon ginawa sa tingin mo kasama nyo ngayon si ram?" Bigla naman akong naguluhan sa sinabi nya
"Huh?" Napatawa nalang sya
"Wala, Samahan mo nalang ako sa cafeteria" Tumango nalang ako at tumayo na kami para pumunta sa cafeteria.
Hindi ko na din sya tinanong kung ano ba talaga yung mga nangyari sa kuya ni ram, May panahon para malaman yon at sana malinawan din si ram.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017