Reign POV
Agad kaming nakadating sa kuta ng azuma, Baba na sana ako ng sasakyan ng pigilan ako ni King
"Becareful" Nag aalala nyang sabi saken, nginitian ko ito at saka lumabas. Kailangan naming maghiwa hiwalay ngayon para mailigtas si khloe at para mapatay na ang pinuno nila at ako mismo ang tatapos sa kanya ngayon.
Marahan akong naglakad papunta sa pinakamadilim na lugar kung saan walang mga bantay. Pumasok ako sa isang pinto at sinilip kung may tao dito nang masiguro ko nang walang tao ay agad akong pumasok habang hawak hawak ng mahigpit ang baril ko.
Nabigla naman ako ng may magsalita sa earpiece ko, at narinig na si tyra ito
"Reign where are you?" Mahinang tanong nito saken, nilibot ko naman yung paningin ko hindi ko naman kasi alam kung ano o saan ako pumasok basta ang importante mailigtas ko si khloe at mapatay ang pinuno nila.
"I don't know, Pumasok ako sa may pinto dito at mukhang wala namang mga bantay. Nasan kayo?"
"Nandito kami sa 2nd Floor, kasama ko sina Zoe at celine"
"Papunta na ko jan" Nagmadali akong umalis sa lugar na yon at naghanap ng hagdanan para makapunta kina tyra pero bago pa ko makaakyat doon ay may humarang na saaking mga armadong lalaki.
Nagtago ako agad ng magpaputok sila ng mga baril at nagpaputok din ako, natamaan ko yung isa kaya kailangan ko nang patumbahin yung tatlo pang natitira. Pinaputukan ko sila ng bala ng sunod sunod at namatay din sila agad.
Kinuha ko yung mga baril nila at kinapkapan kung may mga extra silang bala may nakuha aking dalawang set kaya binulsa ko ito agad, nakakarinig na ko ng mga ingay sa labas kaya alam ko nang nagkakagulo na dito. Mas maganda na din ito para mas lalong mabulabog ang pinuno nila.
Hinanap ko sa bawat kwarto dito sina Celine at sa huling kwarto ko sila nakita. Nilingon nila ako at agad na nilapitan, Nabaling ko naman yung tingin ko sa isang taong inaalala ko simula pa kanina.
Nilapitan ko ito agad at saka sya niyakap ng mahigpit, Hinagod hagod naman nya yung likod ko kaya kumalas ako sa pagkakayakap para harapin sya.
"Thank god you're alive" Nakita ko syang ngumiti kaya napangiti nalang din ako. Naramdaman ko namang lumapit sa gawi namin sina Zoe kaya humarap ako sa kanila.
"Tinakas namin sya habang inaantay namin kayo dito, Napahiwalay na din kami kina Axel dahil hinabol namin yung kumuha kay khloe" Sabi saken ni Celine kaya tumango lang ako.
"Nagkakagulo na sa labas at baka pati sa ibang lugar dito sa loob, kailangan nyo nang umalis dito" Sabi ko sa kanila at bigla silang napasimangot, alam ko nang tumatakbo sa mga isip nila at hindi ko gusto yon.
"Sige na" Pagkumbinsi ko sa kanila kahit na alam kong wala naman ding kwenta.
"Hindi ka namin iiwan dito sa loob Reign, Lalabas tayong lahat ng walang namamatay" Matigas na pagkakasabi ni Zoe, Mas matigas pa pala ulo nito kesa saken -_-
"Bahala kayo, Pero bago yon kailangan nating mahanap sina King" Tumango silang lahat at tumayo na, inalalayan ko naman si khloe sa pagtayo at hinawakan yung braso nya para hindi na sya mapahiwalay samin.
"Reign, thank you" Napalingon naman ako dito habang naglalakad kami, nauuna sila Tyra para silipin kung may mga tao kaming makakasalubong.
"Don't thank me, Ang importante Buhay ka at walang ibang nangyari sa'yo ngayon" Napangiti nalang kami, at napatingin kina tyra ng bigla itong sumigaw.
"Balik! Balik! Balik! May mga armadong lalaki" Nagmadali kaming tumakbo pabalik at nakakita ako ng isang exit area kaya agad ko itong binuksan habang nakikipagpalitan ng putok ng baril sina Celine habang ako naman ay inaalalayan si khloe.
"Reign!" Napalingon ako sa gawing kanan ko at nanlaki agad yung mga mata ko ng makita sina axel na nagtatago sa isang gilid, pumunta ako sa kanila at agad na lumapit si nathan para alalayan si khloe.
"Nasan sina King at Kyle?" Napansin kong lima lang sila at wala ni anino nila king at kyle ang nandito.
"Hindi namin sila nakita, tsaka sino yung mga lalaking pumunta dito?"
"Pinadala sila ni Supremo para tulongan tayo dito" Tumango tango lang sila, dumating na din sina tyra ng ligtas at nilapitan sina keith
"Wala nang tao sa labas, pwede na tayong kumilos" Tumango lang kami at kumilos na para lumabas sa lugar na yon.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mag alala sa kalagayan nila King, Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanila ngayon ayokong isipin na patay na si king dahil sa bukod sa alam kong hindi sya basta bastang mamamatay, sumasagi parin sa isip ko na tao din sya at may posibilidad yon.
"Reign ok ka lang?" Nilingon ko si Tyra ng magtanong ito tumango lang ako at saka napahinto
"Bakit?" Tinaas ko yung isa kong kamay para sabihin sandali lang dahil nasusuka ako, Pinunasan ko agad yung bibig ko at pagharap ko sa kanila bumungad saken ang mga mukha nilang nagtataka. Isa 'to sa rason kung bakit natatakot akong mawala si King.
"B-buntis ka?" Nauutal na tanong ni Celine saken nakagat ko bigla yung labi ko atsaka unti unting tumango, Nagbago bigla yung ekspresyon ng mga mukha nila at napalitan ng mga ngiti. Lumapit saken yung mga babae at agad akong niyakap.
"Congrat's Reign!! Magiging ninang na ko!" Masayang Bati saken ni Zoe
"Ba't ngayon mo lang pinaalam samin? At talagang dito pa kung saan wala si King" Reklamo ni Tyra
"Magkakaron na ko ng pamangkin!" Masayang sabi ni Celine
"Ang bilis nyo ata?" Pang asar na sabi ni Khloe pero agad ding ngumiti.
Lumapit naman yung mga boys samin at isa isa nila akong binati.
"Di nakapagpigil si King, Tsk!" Nabatukan naman si axel ni celine
"Iba talaga pag King Andrei Villanueva!" Pang asar na sabi ni Nathan.
"Tama na yan! Lumabas muna tayo dito at mamaya na icelebrate sa bahay" Sumang ayon naman kaming lahat sa sinabi ni lawrence kaya pinagpatuloy na namin yung paglalakad namin, lahat ng madadaanan namin dito ay puro mga nakahandusay na mga tao ng azuma, Tama lang din na humingi ako ng tulong kay Tito matt.
Paakyat na kami sa taas para hanapin sina King ng makasalubong namin si kyle na duguan at iika ika lumakad, agad na tumakbo sa kanya sina axel at carl para alalayan sya.
"Anong nangyari sa'yo?" Nag aalalang tanong ko dito, halos maligo sya sa dami ng dugo.
"Wala na tayong oras, kailangan nyong balikan si King sa taas" Agad namang kumabog yung dibdib ko ng marinig yung pangalan nya.
"Anong nangyari sa kanya? Nasan sya ngayon? Natatarantang tanong ko dito
"Bihag sya ngayon ni Liam, H-hanapin mo yung kulay pulang pinto sa dulo. Nandon sya ngayon" Agad akong tumakbo sa sinasabing lugar ni Kyle, hindi ko na din nilingon sina Celine na tinatawag pa yung pangalan ko para pigilan ako.
King, Antayin mo ko. Ililigtas kita, ipapaalam ko din yung balitang magiging tatay ka na.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017