Reign POV
Nakauwi na din ako sa bahay nila king at pagpasok ko saktong naabutan ko pa sya sa sala na nanonood.
"Nasan sila Kyle?" Tanong ko dito, Di naman sya lumingon saken at sa Tv lang nakatuon yung atensyon.
"Natutulog na." Tumango tango naman ako atska dumiretso ng kusina para kumuha ng Chocolate.
"San ka galing?" Nilingon ko naman sya at lumapit ito sa ref para kumuha ng tubig
"Kina Zoe" Umupo ako tska nilantakan yung chocolate ko.
Umupo din sya sa harap ko atska ako tinitigan.
"Bakit?" Tanong ko. This past few days naweweirduhan na ko sa kanya.
"Nothing" Tumayo naman ito atska umakyat papuntang kwarto.
King POV
Naguguluhan na din ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw. Madalas kasing nahuhuli ko ang sarili ko na nakatingin kay reign ng walang dahilan.
Naabutan ko naman si Daniel na gising pa at nag lalaro sa laptop.
"Daddy?" Tumingin naman ito saken pagpasok ko
"Ba't gising ka pa?"
"Inaantay ko po si Mommy reign, Umuwi na po ba sya?" Gabi gabi nya na lang hinahanap si reign. Napalapit na talaga sya sa babaeng yon.
"Oo, kakarating nya lang."
"Talaga? Puntahan ko po muna" Akmang tatayo na ito ng pigilan ko
"Daniel"
"Bakit po?" Pinaupo ko muna sya sa kama.
"Payag ka ba na ligawan ko yung Mommy Reign mo?" Mukha namang nagulat ito sa tanong ko at kahit ako nagulat din nung lumabas ito mismo sa bibig ko. Anong nangyayare saken?
"Really Daddy? I mean, Opo. Bagay nga po kayo ni mommy reign eh, Maganda tska Gwapo" Natawa naman ako sa sinabi nya atska ginulo yung buhok.
"Sige na puntahan mo na mommy reign mo, wag mo lang sasabihin yung sinabi ko kanina ha? Katok ka muna kasi nandun yung kuya Kyle mo." Tumango tango naman ito at lumabas na ng kwarto.
Napahiga naman ako sa kama at tumingin sa kisame.
Nagugustuhan ko na ba si Reign?
Reign POV
Maaga akong nagising dahil binubulabog na naman ako ni Kyle -_-
"Reign Gising na!" Sigaw nya, Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga at sinamaan ito ng tingin.
"Utang na loob kyle! Natutulog pa ko oh!" Inis na sabi ko dito. Wala syang ibang gawin kundi ang inisin ako -_-
"Hehehehe, Magpapasama lang kasi ako sayo sa mall, mag gogrocery"
"What?! Gigisingin mo ko ng maaga para lang magpasama sa mall?"
"Sige na" Pagmamakaawa nito saken at nagpacute pa si Ilong -_-
"Pwede ba? Di bagay sayo! Itigil mo na yan. Sige na! Maliligo lang ako" Ngumiti naman ito ng malawak atska tumayo
"Thank You!" Sabi nya habang yakap yakap ako.
"Bitaw na. Baka magbago isip ko" bumitaw naman ito atsak nagpaalam na sa sala nalang sya mag hihintay.
Pumunta na ko ng banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ko pero pababa palang ako ng makasalubong ko na si king.
"San ka pupunta?" Tanong nito. Oh diba! Ang weird nya -_- Di naman sya palatanong dati saken ehh.
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017