Chapter 17

2.9K 63 1
                                    

Reign POV

Pagdating na pagdating namin sa bahay ay biglang nagsermon saaming tatlo si kyle

"What do you think you're doing?! Susugod kayo nang kayong tatlo lang?!" Galit na sigaw nito saken. Alam kong mali yung ginawa naming pagsugod kanina gaya nga ng sinabi ni king na alamin muna namin yung buong pagkatao ng isang tao bago namin ito sugurin at di ko inexpect na ganun nalang kadami yung mga tauhan ni Mr. Buenaventura.

"Chill Kyle! Ok? Buhay pa naman kami atska napatay na din naman ni reign si Mr. Buenaventura ah?" Singit ni zoe

"So masaya pa kayo nyan? Kung hindi pa sinabi samin ni axel yung plano nyo sa tingin nyo makakalabas kayo sa hotel na yun na walang galos?!" Ok he's pissing me off! Sa tingin nya ba masaya kami sa nangyari kanina?

"Shut up kyle! Oo mali yung ginawa namin kanina but can't you see? Kung hindi kami kikilos edi madadagdagan na naman yung mga binibiktima nyang mga inosenteng tao?! Kyle were doing this not just for us, but for all the innocent people out there! Di na maatim ng dugo ko yung mga pinag gagagawa nyang kahayupan sa ibang tao!" That's it! Kumukulo na din kasi yung dugo ko kanina pa lalo na nung makita ko yung lalaking yon.

"Reign sana naman pinaalam nyo din samin, nag aalala din naman kami sa inyo" mahinahong sabi nito atska umalis at umakyat papuntang kwarto

"Akyat lang muna kami sa kwarto" Paalam saken nila lawrence, axel,ram at carl

"Reign mauuna na kami." Tinapik naman ako nila zoe at celine

"Ihahatid ko lang sa bahay nila si khloe" Paalam saken ni nathan at nagpaalam na din si khloe saken.

Tinignan ko naman yung natitirang tao na nasa harapan ko ngayon.

"Oh? Sesermon mo din ba ko? Sige na! Sabihin mo na yung gusto mong sabihin" Sabi ko at tumingin sa ibang direksyon.

"Tss.." Yan lang ang naisagot nya at bigla nya kong hinila kung saan.

Nakarating naman kami sa likod ng bahay nila atsaka nya ko hinarap

"Di ko masisisi si kyle kung bakit ganun nalang sya kanina" Sabi nito at umupo sa may swing kaya naupo na din ako sa kabila.

"I know. Nag aalala lang naman si kyle"

"Ano ba kasing pumasok sa utak nyo at susugod sugod kayo don?"

"Di ko na kasi matiis yung mga pinag gagagawa nya sa ibang tao, may nagpadala samin ng mga litrato at video at lahat nang yun ay laman ng mga bangkay ng tao"

"Sigurado ba kayong sya yung gumawa non?"

"We don't know, ang alam ko lang isa sya sa mga taong hinahanap ako at gusto akong patayin"

Pinasok ko yung ganitong buhay kaya wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko.

"Gusto ko na ding matapos lahat ng problema at gulo sa buhay ko, gusto ko nang makita yung taong pumatay sa mommy ni daniel at sa nanay ko" Naramdaman ko namang may tumulong luha sa pisngi ko. Nagiging mahina talaga ako pagdating sa ganito, lalo na't damay yung mga mahal ko sa buhay.

Nabigla naman ako ng bigla akong hatakin patayo ni King atska niyakap.

"K-king" Eto na naman yung kaweirduhan nya

"Cry" Wala na din akong ibang magawa kundi ang umiyak, Nakakainis man kasi dito pa sa harap mismo ni king ako umiiyak, nakita na nya kung gaano ako kahina sa ganitong bagay.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap nya habang nakayuko.

"O-ok na, S-salamat" Maglalakad na sana ako palayo sa kanya ng bigla nya ulit akong hilahin at sa pangalawang pagkakataon nabigla ako sa ginawa nya.

Reign AshfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon