Reign POV
"Ano nang balita?! Nasan na sya?" Bungad ko sa kanila ng makarating kami sa basement.
"Wala pa kaming lead. Nahirapan din kami kasi may naghack ng mga cctv camera sa bahay nyo" Bigla akong napasuntok sa mesa sa narinig ko.
"Call Tyra, keith. Kailangan ko sya dito" Tumango naman si Keith atsaka umalis.
"What? Tyra?" Napalingon naman ako kay king ng banggitin nya yon. Hindi nya nga pala alam.
"Anong kinalaman ni tyra dito?" Dagdag nya kaya napabuntong hininga nalang ako
"Ok, alam kong nabigla ka kahit ako nabigla rin but believe me acting lang lahat ni tyra yung mga nangyari samin dati. Inutusan sya ni Supremo para bantayan ako at wag ipaalam saken, At first akala ko kasabwat sya ng Azuma pero sinabi nya na Hinding hindi sya Magtatrabaho don." Natahimik naman si king. I don't blame him, kahit sino naman sa kanila pag narinig nila ang katotohanan ganyan din naman yung magiging reaksyon nila.
"So ibig sabihin wala syang gusto sa kahit na sino samin?" Napasimangot naman ako sa sinabi nya.
"Wala. Bakit nadissapoint ka?" Pagtataray ko. Hindi pa ba sya kuntento kay yvonne?! -_-
"Hindi naman sa ganun. I mean--- Aish! Nevermind" Sabi nya. Tinalikuran ko naman ito atsaka pinanood yung mga cctv camera at yung tracking site.
Muntik na kong mapatalon sa gulat ng may mga brasong yumakap sa bewang ko, lumapit ito sa tenga ko atsaka bumulong.
"Nagseselos ka na naman." Napangisi naman ako sa sinabi nya.
"You wish. Bakit hindi ka nalang makuntento kay Yvonne?"
"Tsk. Pagnahanap na natin si daniel, Hihiwalay na ko kay Yvonne" Napatingin naman ako dito
"Bakit naman?"
"Di ko na kaya. Di ko kayang makita kang masaya kasama ni kyle. Gusto ko saken ka lang." Napatawa naman ako sa sinabi nya. Pareho naman kaming napatingin ng dumating sina keith at tyra
"Ano bayan! Hanggang dito ba naman?!" Bulyaw nya samin. Kumalas ako sa pagkakayakap ni kong atsaka nilapitan si tyra.
"Inggit ka lang. Di kasi ginagawa yon sa'yo ni keith" Napairap nalang sya sa sinabi ko. Sinabi nya din kasi sa'ken na may gusto sya kay keith kaso mukhang wala naman atang balak ligawan ni keith si tyra.
"Ewan ko sayo!" Pagtataray saken ni tyra atsaka pumunta sa computer.
Habang abala ang iva sa paghahanap bigla namang tumunog yung phone ko at agad ding sinagot.
'Hi' Sabi sa kabilang linya. Alam kong gumagamit sya ng voice changer to hide his voice. Sad to say but i already know who's behind in this line, Sasakyan ko nalang muna sya.
'Who's this?'
'You'll find it soon. Hawak ko ngayon yung pinaka mamahal mong pinsan, or should i say anak mo (?)'
Napahigpit ang hawak ko sa phone ko ng malaman yon.
'Nasan sya?!'
'Itetext ko yung address. Wag kang magsasama ng kahit na sino, or else maaabutan mong nakahandusay sa daan yung bata'
Kumulo bigla yung dugo ko ng sabihin nya yon.
'Deal. Pag may mangyaring masama sakanya ngayon, Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. You can't fool me, i know your identity'
Di ko na sya inantay na sumagot at binabaan agad. Nilapitan naman ako nila tyra at king.
"Sino yon?"
"Si Clyde. Alam kong sya yung tumawag kahit na gumamit pa sya ng voice changer makikilala ko yung boses nya."
"F*ck!" Singhal ni king
"May itetext sya na address saken kung saan nandon si daniel, may usapan kaming hindi ako magdadala ng kasama"
"What?! Are you insane? Reign baka kung anong mangyari say---
Pinutol ko naman yung sinasabi ni king
"Hindi ko naman hahayaang may masamang mangyari kay daniel. Pupunta akong mag isa don" Kinuha ko naman yung jacket at susi ng sasakyan. Bago pa ko makaalis ay pinigilan ako ni king
"I'll go with you. Ayokong may ibang mangyari sa inyong dalawa." Napakunot noo naman ako
"King, kaya ko ang sar----
"Hindi ka aalis hangga't hindi ako kasama. Tyra, Alam mo na ang gagawin mo"
"Fine! Let's go" Hinila ko naman sya palabas, Sya na din ang nag maneho. Mabilis ang pagpapatakbo ni king ng sasakya kaya nakarating na kami agad.
Sinabihan ko sya na magtago lang, nung una ayaw pa nya pero kalaunan sumunod din. Pumasok ako sa loob at tanging ang ilaw lang sa gitna ng court ang maliwanag.
"Nandito na ko! Ilabas nyo na sya!" Sigaw ko sa paligid pero wala ni isang anino akong nakita.
"Don't make me do something you won't like, Clyde. Ilabas nyo na sya or else..." Bigla namang tumunog yung phone at alam kong si Clyde yung tumatawag kaya sinagot ko ito agad.
'Where is he?' Diretsong tanong ko dito.
'Ang usapan reign hindi ka magdadala ng kasama, hindi ka tumutupad sa usapan. Babalitaan nalang kita kung nasan sya ngayon. Bye~"
Naitapon ko agad yung phone sa galit ko at nagpaputok ng dalawang beses. Bwiset!!
"Reign! Reign!" Nilingon ko ito at nakita si king na tumatakbo sa pwesto ko
"What happened? Ano yung ingay na yon?"
"Tsk. Wala sila dito, I told you kaya ko ang sarili. Nang dahil sa may kasama ako ngayon kaya hindi ko makuha si daniel" Nag simula na kong maglakad palabas. Wala ako sa mood ngayon.
"Hey" Hinawakan naman ni king yung braso ko atsaka ako hinarap
"Sorry, I just want to protect you."
"I can handle myself King. Kapakanan ni daniel yung iniisip ko ngayon" Seryosong sabi ko dito atsaka pumasok sa passenger seat, wala na din syang ibang nagawa kaya pumasok na sa driver seat at nagsimulang mag maneho.
Nakarating kami ng bahay ng walang kibuan. Tahimik ang buong byahe, tinawagan ko na din sina tyra na ipagpatuloy lang nila yung pag hahanap kay daniel.
"Ano ng balita? Nasan na daw si daniel?" Bungad samin ni kyle. Umuwi na din sila at hindi na pinagpatuloy ang vacation sa resort.
"Magpapahinga lang ako" Walang emosyon kong paalam sa kanila at dire diretsong umakyat sa kwarto.
Binuksan ko naman agad yung laptop ko at bumungad agad saken yung email ni Tito Matt
'Reign! I heard the news. Nasan na ngayon si daniel?' Bago pa ko makapag reply ay tumawag na ito agad
'Where is he now?' Bungad nya saken
'Wala sila sa pinuntahan naming address.'
'Sh*t! Kumikilos na talaga sila'
'I'm sorry Tito. Sana hindi nalang ako sumama sa vacation. Sana binantayan ko nalang sya'
'It's not your fault Reign. Naghire na ko ng mga tauhan para madali natin syang mahanap'
'Ginagawa na din po nila keith at tyra ang lahat para track si daniel'
'Good. Pumunta ka sa opisina ko bukas'
'Ok tito, Bye'
Sinarado ko na yung laptop at Napabuntong hininga nalang.
"I need to do something"
BINABASA MO ANG
Reign Ashford
Action"Finding out the truth is the hardest mission in my life" - Reign Ashford Date Started: June 20, 2017 Date Ended: Nov. 30, 2017