Augustus

22 5 0
                                    

"I think you should confront her. Who knows? She might spread rumors" nasa hallway kami ngayon ni Jack patungo sa Cafeteria dahil pareho kaming hindi nag almusal sa bahay.

"That's what I'm about to do" nilapitan at hinala ko palabas ng cafeteria si Zarina. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi nalang siya  umimik. Dinala ko siya sa rooftop, dahil maaga pa naman at hindi pa mainit.

I cornered her in the wall. "Tell me, anong nalalaman mo?" madiin kong sabi.

Namutla siya "Wh-what do you me-mean?" nauutal niyang sabi.

"Don't act like you forgot what happened last friday!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"You mean the dirty dancing?" namumutla parin siya, yumuko siya ng tinignan ko siya sa mata "Sorry for that"

Napahilamos ako at pinasadahan ang buhok ko "You think importante yan saakin? What matters here is what you know about me!" sigaw ko sakanya.

Hindi siya sumasagot at hanggang ngayon ay nakayuko parin. Hinawakan ko ang baba niya at inangat ito "Alam kong may alam ka tungkol saakin Zarina kaya please" mahinahon na sabi ko.

Huminga siya ng malalim bago sumagot "I know you, the first time we met i got curious. Nagresearch ako tungkol sayo. Hanggang sa nalaman kong anak ka ni King Shaphat Zeus Austeen, at kakambal mo si Vaduke Austeen. Nung una akala ko nagkataon lang na magkaapilido kayo, pero nang magresearch ako tungkol sa mga Austeen, ay nakita ko duon ang pangalan mo. Duon na ako kinutuban, i click your name at lumabas ang picture mo duon. At first hindi ako makapaniwala kaya nagresearch pa ako, hanggang sa nalaman ko na ang mga Berg ay pinagsisilbihan ang mga Austeen at kasama duon si Jack na siyang Butler mo" yumuko siya pagkatapos sabihin iyon.

Napabugha ako bago magsalita "Ano pang alam mo?" magsasalita pa sana siya kaso agad niyang isinara ang bibig niya. "Look Zarina, i just want to know kung ano pa ang nalalaman mo"

"You're here to find her" yumuko siya pagkatapos sabihin iyon.

"Gaano katagal mo nang alam?"

"Almost a year"

"Really Zarina, really?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"I'm sorry Augustus, I'm sorry" she said in a apologetic tone.

"What the fuck Zarina?" yun nalang ang nasabi ko

Huminga siya ng malalim bago nagsalita "Ako naman ang magtatanong, bakit tinatago mo ang tunay mong pagkatao? Dahil ba akala mo peperahan kalang namin? Dahil akala mo gagamitin kalang namin? Why Augustus, why?" may bahid ng galit ang boses niya.

"You don't need to know" tinalikuran ko na siya at naglakad na ngunit nagsalita siya ulit.

"Tama ako diba? Iniisip mong gagamitin ka lang namin!" galit niyang sabi. Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paglalakad "Oh come on Augustus, i never expected you to be this cheap"

Huminga ako ng malalim bago siya hinarap "Kung ano man ang nalalaman mo, keep it to yourself"

"I never expected to you be this selfish, Augustus" inunahan niya na akong umalis. Napatulala nalang ako sa sinabi ko. Oh well, hindi niya maiintindihan and no one will ever will.

*****

It's been weeks at hindi na kami nagpapansinan ni Zarina, minsan ay sinubukan ko siyang lapitan pero hindi pa man ako nakakalapit ay agad siyang lumayo. I understand her, nasaktan ko siya dahil sa paglilihim ng pagkatao ko. I wonder kung pati sina Aster ay may alam nadin tungkol dito.

"Augustus, ikaw yung male lead ngayon" speaking of Aster, kaming dalawa nalang ang nasa Club ngayon dahil umuwi nayung iba.

"Why me?" bored kong sagot.

"Why not?" balik niyang tanong.

I sigh "Busy ako, si Apollo nalang"

"No, Si Apollo maghahandle ngayon" napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "Hindi pwedeng pare-pareho ng Portrayer, so i decided na ikaw ang Male lead while ako yung Female lead"

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Reasons, gusto mo lang akong makasama" tumawa lang ako ng malakas ng hampasin niya ako.

"This will be the last Augustus, after this tuluyan nang mabubuwag ang club" may bahid ng lungkot sa mga salita niya.

Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Uh Nevermind. It's almost 7, we need to go" nagligpit na siya ng mga gamit habang ako ay seryosong nakatitig lang sakanya, napansin niya naman yun at binigyan ako ng bored na mukha.

"I was just joking okay? Gusto ko lang maranasan ang maging female lead"

"Crush mo lang talaga ako" pang aasar ko at tumayo na para magligpit ng gamit. Sabay na kaming tumungo sa parking lot kung saan hinihintay ako ni Jack habang ang sundo ni Aster ay wala pa.

"Hi Jack, kamusta ka?" bati ni Aster.

"I'm good, ikaw? Kamusta?"

Ngumiti siya ng todo kay Jack tss. "I'm great"

Sumingit ako sa usapan nila "Jack, let's wait for Aster's driver, hindi magandang iwan ang babae nang nagiisa" hindi ko na pinakinggan ang kung ano mang sasabihin ni Jack dahil sinaksak ko na sa tenga ko ang earphones at finull volume ito.

Ilang minuto pa ay dumating na ang sundo ni Aster at nagpaalam na ito saamin.

"Bye Guys! Salamat sa pagsama saakin. Ingat kayo pauwi"

Hinarap ko si Jack "I'll drive" agad naman niyang inabot ang susi.

Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan kaya natawa si Jack sa ginawa ko.

"Easy man, ayoko pang mamatay"

"Shut up, I'm in rush"

"Rush? We've been always in rush" mas nilakasan pa niya ang tawa niya kaya bigla akong nagpreno, hindi siya nakaseat belt kaya nauntog siya ng malakas.

Galit niya akong tinignan. "What the fuck is your problem?!"

Ngumisi ako "That's what you get from not using the seat belt"

"Tss" yun nalang ang tanging nasabi niya bago umayos ng upo.

"I won't let you drive ever again" may diin na sabi ni Jack. Habang hawak hawak ang sentido niyang may malaking bukol.

Tinawanan ko lang siya "As if you can"

He snorted "Stubborn Prince"

"Wait, do you know what day it is?"

"Augustus i mean August 12, why?" natatawa niyang sagot.

"Funny Jack, funny"

"Pikon. Why'd you ask?"

"Come on Jack, think harder"

Napaisip naman siya kung anong meron ngayong August, he smiled when he remembered "Next week, August 16 is your 19th Birthday!" pumapalakpak niyang sabi.

I smiled widely "You know what to do"

"IT'S PARTY TIIIIIMEEEE!"

Till He Found HerWhere stories live. Discover now