"In 5,4,3,2 and roll!"
Nasa school campus kami ngayon, linggo kaya walang mga studyante maliban nalang sa mga may kailangang gawin. Whole day ang shoot pero hanggang 3PM lang ako dahil marami rami akong dapat habulin sa klase, malapit na rin ang finals kaya kailangan ko nang mag double time.
"Nic's hanggang 3PM lang ako ngayon, may aasikasuhin pa kasi ako" nasa tabi ko lang si Nicole. Hindi ako humahawak ng camera ngayon dahil ang mainit ang sikat ng araw, bawal saakin at kailangan ko "DAW" maging flawless dahil isa ako sa mga lead sabi ni Nicole. Kaya imbes na camera, ay sa screens ako nakatutok, tumutulong sa pag mo-monitor ng lahat. Katabi ko rin si Marianne dahil isa siya sa mga writers.
"At bakit naman aber?" sagot niya ng hindi ako tinitignan.
"Maghahabol ako ng mga lessons, malapit na ang finals e"
"Okay. You may go"
"Huh? Sabi ko mamayang 3PM pa, 10AM palang oh"
Humarap siya saakin at pinaningkitan ako. "Alam ko, pero tinext ako ng kaibigan mo kanina na may emergency at kailangan mo nang umuwi" inabot niya sa mesa ang phone niya at iniharap saakin ang text message ni Jack. "Hindi ko maintindihan yan, pero sabi niya ipakita ko sayo" matapos kong basahin ay lumingon lingon ako sa paligid para hanapin siya, pero hindi ko siya makita, this is shit.
"Nasaan si Zari?" tanong ko sa katabi ko.
"Nagtext kanina, masama daw ang pakiramdam. At isa pa, bakit binanggit jan ang pangalan ni Zari?" double shit!
"Wala, huwag mo nang alamin pa"
Mabilis kong inayos at niligpit ang mga gamit ko at nagpaalam na. "Gotta go" mabilis akong naglakad papunta sa parking lot at hinanap ang motorbike ko. Agad ko itong pinaandar at pinaharurot, hindi ko maiwasan ang hindi mafrustrate dahil sa nalaman ko. Dang it! Anong klaseng babae ba siya?"Thuis komt, Zarina gevonden"
Yan ang text message na pinapaabot ni Jack.
---
Malayo ang bagong bahay na tinitirhan namin kaya inabot ako ng mahigit isang oras sa byahe. Agad akong bumaba ng makarating ako sa tapat ng bahay. Simple at gawa sa kahoy ang bagong tinitirhan namin, hindi pa tapos ang pinapagawa naming bahay kaya pansamantala muna kaming nakatira dito. Simple at maliit lang din ang pinapagawa naming bahay, gawa rin ito sa kahoy. Pagpasok ko sa loob ay prenteng nakaupo sa isang sofa na gawa sa kahoy si Jack at Zarina habang seryosong nag uusap. Napansin nila ang pagdating ko kaya tumigil sila sa pag uusap at binati ako.
"Buti naman at dumating kana"
"Hi"
Hindi ko iyon pinansin at umupo sa tapat ng upuan nila. "How did you know? How did you found us?" dere-deretcho kong tanong.
"Wala man lang hello?"
"Shut up"
"Sungit tsk. Paano? Simple because I'm a investigator, alam ko ang bawat kilos niyo" simple at proud na sabi niya.
"What else?"
"Hmm, wala na" nakahinga ako ng maayos dahil duon. "Ang duga niyong dalawa, diba katulong ako sa paghahanap sakanya? Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan na naglayas pala kayo" nag-pout siya pagkatapos sabihin iyon.
"Stop pouting, hindi bagay sayo" inirapan niya ako matapos marinig iyon. "Isa pa, wala naman sigurong kinalaman iyon sa paghahanap, hindi ba?"
"Atleast you should have inform me, para naman hindi na ako napagod sa paghahanap" humarap siya kay Jack na kanina pa walang imik tapos humarap ulit saakin. "Almost lunch na, wala ba kayong balak pakainin ako?"