Augustus

8 1 0
                                    

"Oh, Kenneth and Maria, buti naman at naisipan niyo nang bumalik?" nagpalipat lipat ang tingin namin sa dalawa matapos silang tanungin ni Joseph.

Naunang sumagot si Kenneth. "I realized that, losing a member at the same a best friend is really hard, but what's more harder is trying to avoid what your heart really beats for. Sobrang nasaktan lang din ako sa nangyari kaya ko nasabi ang mga iyon, so everyone, I'm sorry for avoiding you specially sayo Aster dahil naging insensitive ako" yumuko siya matapos iyon. Nilapitan siya ni Aster at pinalo ng malakas sa likod kaya napainda siya sa sakit na kahit ako ay nasaktan dahil sa lakas ng pagkakapalo "Aray!"

"Arte mo, pinapadugo mo pa ang ilong ko. Hindi nga nage-english 'tong si Augustus, e ikaw naman tong wagas kung maka-english ngayon naku tsk tsk" pailing iling na sabi ni Aster.

Nag angat ng tingin si Kenneth at sumalubong sakanya ang nakangiting mukha ni Aster "Pinapatawad mo na ako?" nag nod lang siya.

"As in bati na tayo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo nga daw, bati na kayo kaya shut up na, my turn" pagsabat ni Maria na medyo ikinatawa namin "Ehem" napatigil kami dahil duon "So, let me explain. Just like Kenneth, nasaktan lang rin ako ng todo at alam kong kayo rin naman. Pero syempre, hindi ko lang kasi makayanan na gusto niyo pang ipagtuloy yung project sa ganuong state natin. Kaya umalis ako, pero ngayon, napag isip isip ko na, regalo na natin 'to kay Apollo kapag naging successful ang project na 'to. Kaya to everyone, sorry." hindi tulad ni Kenneth, ay hindi yumuko si Maria, deretcho lang siyang nakatingin saamin. I agree with her, I was not a easy task, pinipilit mong isantabi ang sakit pero sadyang mapagbiro talaga ang tadhana at nagkataong storya pa niya ang susi sa tagumpay ng grupo.

"Lahat tayo nasaktan, hindi natin inaasahan na mangyayari yun, pero life must go on, mahirap, oo, pero this is how life works. Walang nakakamove on na hindi dumadaan sa hirap at sakit" natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Marianne. Minsanan lang siya magsalita dahil madalas tahimik lang siya at mas gustong magbasa ng libro. Who would thought nga naman na aabot kami sa ganito? Na mawawalan kami ng kaibigan at miyembro?

"Sometimes, we think that life is hitting us hard, but have it ever came into our minds that, its us who makes things so complicated and hard? We won't be depressed if we don't depressed ourselves, we won't be stressed if we don't stressed ourselves" pagpapatuloy niya na mas nagpatahimik saamin.

She has a point, kaya lang naman tayo na de-depressed at nai-stressed ay dahil tayo mismo ang gumagawa nito sa sarili natin. Pinipilit nating abutin ang isang bagay na hindi natin maabot, pinipilit nating kalimutan ang mga bagay na hindi natin makalimutan, pinipilit nating gawin ang isang bagay na kailan ma'y hindi natin magagawa. Unconsciously, nade-depressed at nai-stressed na tayo at sinisisi natin ang buhay dahil pinapahirapan tayo ng sobra, kahit ang totoo ay tayo mismo ang nagpapahirap sa sarili natin.

"Monsters are not under our bed, they are within us" I unconsciously said after comprehending Marianne's words in my mind. Nung bata pa ako, I used to believe na kapag hindi ako natulog ng maaga ay kukunin ako ng mga halimaw sa ilalim ng kama, pero ngayon, ako pala ang halimaw na 'yun.

"We are the killer of our own mental" Nicole added. It was a long silence again, not until Denver and Joseph broke it.

"Ano bayan! Pwede nang pang MMK yang mga sinasabi niyo" malokong sabi ni Denver na sinusubukang pagaanin ang atmosphere.

"Oo nga, kulang nalang may Dear' Charo na intro e" pangsang ayon ni Joseph, at nagtawanan silang dalawa. Bumuntong hininga ako at ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Sumulyap ako sa katabi ko at nakita kong pasimple niyang pinunasan ang mga luha niya. Ng mapansin niyang sumusulyap ako sakanya ay pinalo niya ako ng malakas sa likod at pinagkukurot sa braso kaya napa-atras ako sakanya. "Ano ba, sadista ka talagang babae ka!" sigaw ko sakanya habang paatras ng paatras dahil sa mga kurot niya. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa ulo pero hindi ko yun pinansin dahil baka sa init lang ng panahon kanina.

Till He Found HerWhere stories live. Discover now