Sa labas na ako nagpark para hindi na ako mahassle mamaya at sasaglit lang din naman ako sa bahay dahil maliligo at magpapalit lang ako ng damit. Pumasok agad ako sa loob, dere-deretcho lang ako ng lakad at paakayat na sana ako sa staircase ng isang familiar na boses ang tumawag saakin.
"Augustus" malamig ang pagbigkas niya ng pangalan ko kaya natigilan ako ng paglalakad at humarap ng kinakabahan.
"Yes?" pilit kong tinatago ang kabang nararamdaman ko.
"Why are you so late?" wala ni anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha at salita.
"School project" pilit ko paring tinatago ang kabang nararamdaman ko, this is not good, shit. Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa sofa at lumapit saakin, mas lalo tuloy akong kinabahan. Pero ang hindi ko inaasahan ay nang ambangan niya ako ng suntok sa mukha.
"What the fuck was that for?" imbis na kaba o takot, ay napalitan na ng galit ang nararamdaman ko.
Tinignan niya ako ng deretcho sa mata "Lucky enough I'm not him, Because if I were him, I will kill you in instant" nilagpasan na niya ako at nauna nang umakyat.
"Fuck" bulong ko.
"One more thing, twin brother" yes, it was Vaduke. One thing na dapat tatandaan mo, huwag na huwag mo siyang gagalitin o gumawa ng ikakagalit niya, dahil swear! Hindi yan magdadalawang isip na patayin ka, He's ruthless like the King. "I'm going back tomorrow, I hope you'll come after me"
I sighed. "I can't accompany you tomorrow, I'll just ask Jack to go with you"
"Actually he's going back with me. He has an urgent meeting with the King" wait, did I heard him right? Jack is going with him? No way!
"What?! No!" i demanded.
"King's order twin bro" with that, tuluyan na siyang umakyat habang ako ay naiwang tulala hindi makapaniwalang maiiwan na akong mag isa dito. Hindi ko alam kung ilang minuto rin akong nakatulala bago maisipang puntahan si Jack sa kwarto niya
"JACK!" hindi na ako kumatok at nagtuloy tuloy ng pumasok. Pagpasok ko, naabutan ko siyang nag iimpake ng mga damit niya. "So it's true huh?"
Umupo ng maayos si Jack at tumingin saakin ng seryoso "You're out of focus" napa 'huh?' lang ako sa sinabi niya. "Why do you think Vaduke is here?"
"Uh, vacation?"
"No"
"I don't get you" reklamo ko, minsan baliw din 'tong si Jack e, may pa mysterious effect pang nalalaman.
"See? You lost your track" I think harder para makuha ang kung ano man ang ibig niyang sabihin, then it hits me, oh shit, no way man.
"You must be kidding Jack, I can't be" no, they can't do this.
"I wish I was but, It's all planned out. I don't know what will happen next, but one thing for sure here is that, Aster has something to do with this" he answered.
"Teka, bakit nadamay siya dito?" naguguluhang tanong ko.
"Tuitor siya ni Vaduke pagdating sa pagta-tagalog" huh? Eh ni minsan hindi ko nakitang pumunta sa bahay si Aster na si Vaduke ang pakay niya. "Kinausap ako ni Vaduke bago siya dumating na, pakiusapan ko yung babaeng pinakamalapit sayo para turuan siyang magtagalog and so it was her..."
"Pero hindi yun ang totoong pakay niya" ako na ang tumapos sa sasabihin niya, dahil hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sitwasyon. Now i understand kung para saan ang suntok na iyon.
"Sinabihan niya rin ako na sabihin sainyo na enrolled na siya sa PSU para mapapayag na rin si Aster na maging tuitor kunuh niya, pero hindi yun ang nangyari. Hindi ko agad naisip na posibleng ganito ang mangyari kaya hindi ako kumikibo, pero last week nahuli ko siyang sumusunod sayo, nung una akala ko lalapitan ka niya pero napansin kong nagtatago siya sa mga halaman, sa sumunod na araw nakita ko ulit siyang sumusunod sayo kaya kinutuban na ako, hanggang sa kanina, siya na mismo ang nagkumpirma ng hinala ko at kanina ko lang rin nalaman na pinapabalik na ako duon"