"Dagdagan mo nga kasi yan! Kulang pa"
"Wala na akong pambayad, pwede ba? Nagtitipid pa ako!"
"Eh sa kulang pa kasi!"
Nasa isang malaking grocery store kami sa Roxas, kanina pa kami nagtatalo ni Zarina sa kukuning amount ng toothpaste.
"Kung gusto mong dagdagan, ikaw na ang magbayad!" sigaw ni Zarina pabalik. Masakit man aminin, hindi na ako sumagot at nakipagtalo. Baka ako pa ang magbayad ng mga 'to tss. "Tatahimik rin naman pala e"
"Tsk"
Tapos na kami sa mga hygienic needs, kaya sa mga goods naman kami pumunta. Dalawang cart ang kinuha namin, yung isa ay para sa mga hygienic needs kasama na duon ang mga towels at tissues at yung isa naman ay para sa mga pagkain. Si Jack ay nasa section ng mga appliances.
"Sardines? No way! I and Jack don't eat that" reklamo ko ng makitang naglagay ng ilang lata ng sardines si Zarina sa cart.
"Huwag kang maarte, wala kang pera" sagot niya pabalik habang pumipili ng iba pang can goods.
"Okay fine, but please, huwag namang sardinas" kinuha ko isa isa ang mga lata ng sardinas at balak sanang ibalik ng tapikin niya ang mga kamat ko.
"Pasensya kana ijo, pero kailangan mong matutong kumain ng sardinas" naglagay pa siya ng kung ano anong can goods, tulad ng tuna, corned beef, mackerel at iba pa. Wala na akong nagawa kaya tahimik nalang akong sumusunod sakanya. Pagkatapos sa mga can goods ay sa mga junk foods naman, hindi na ako umaalma sa mga nilalagay niyang pagkain dahil alam kong mababalewala lang mga 'yon. Lastly, meat at frozen goods naman.
"Don't worry, sinabihan ko na si Jack na bumili ng mini fridge at ng despenser" paninigurado niya. Akala ko ba walang pera 'to? Kung makabili akala mo kasama sa bahay. Sabagay, pwede narin dahil walang ref at despenser sa bahay, puro warm water tuloy ang naiinom namin.
"Okay" pag sangayon ko dahil kailangan narin namin iyon.
Dahil sa dami ng pinamili namin or should i say ni Zarina, umabot ng almost 20,000 ang sa bill sa pagkain at hygienic needs, habang almost 38,000 naman sa mga pinamili ni Jack.
"Pagod na ang kamay, paa, at buong katawan, pagod pa ang bulsa! Haays, buti nalang mabait si Dad at hindi ako malalagot dahil dito" reklamo ni Zarina habang palabas kami ng grocery store. Nakasunod naman saamin ang mga kargador dala dala ang mga napamili namin "At nakakagutom!"
"Sino ba kasi ang bili ng bili? May pa mini fridge ka pang nalalaman" sumbat ko sakanya.
"Wow ah? Thank you, thank you talaga" sarkastikong sabi niya at inirapan ako.
Nakarating na kami sa parking lot at nilagay na isa isa ang mga pinamili namin sa trunk ng kotse.
"Naku sir, mukhang hindi po kakasya ang mga appliances na binili ninyo" sabi ng isa sa mga kargador, pang four seater lang ang sasakyan ni Zarina, wala pang tapload, malamang hindi talaga kakasya.
"Oh shit, nakalimutan kong wala pala akong tapload geez" stressed na sabi niya. "Anong alternative ang pwedeng gawin tungkol dito Manong?"
"Ah maam, pwede pong kami nalang ang magdeliver sainyo, kaso may charge nga lang po ng 500" sumangyon na kami sa sinabi ni Manong dahil hindi namin ito maiuuwi gamit ang kotse ni Zarina. Nagfill up kami ng isang form at binalik sakanila ng matapos na ito.
"Sige Maam, maya maya lang po ay makakarating na ito sainyo" nagpaalam na sina Manong at umalis na, kaya naiwan kaming tatlo sa parking lot.
"I'm hungry, kain muna tayo. Treat ko" sabi ko at tumalikod bago tumungo sa isang fast food chain na katabi ng grocery store.