Aster

5 2 0
                                    

"Come on Augs, wake up"

Hawak hawak ko ang kamay ni Augustus habang naka sakay siya sa isang stretcher. Papasok na kami ngayon sa isang hospital, hanggang ngayon ay wala paring malay si Augustus. Putlang putla parin siya hanggang ngayon, tinawagan na namin si Jack at sabi niya papunta na siya rito.

"Ma'am, hanggang dito nalang po muna kayo" bumitaw na ako sa mga kamay ni Augustus at ipinasok na siya sa Emergency Room. Naiwan ako kasama sina Zarina na nakasunod na sa likod ko.

"Where's Jack?" nanginginig kong tanong.

"He's on his way"

"Okay"

Pabalik balik ako sa paglalakad dahil kanina pa ako hindi mapakali. Naiiyak narin ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Nawala na si Apollo, please huwag naman si Augustus, I can't afford another lost.

"Aster, calm down. Walang magagawa ang paikot ikot mo" saway saakin ni Marianne.

"Eh, what if may mangyaring masama sakanya? What if matulad siya kay Apollo? Gaad, wala pang isang buwan mula ng mawala si Apollo, I can't afford lose to another friend"

"Stop those what if's, he'll be fine that's for sure" pagpapakalma nila saakin.

Umupo ako sa sahig sa tapat ng emergency room, naghihintay na lumabas ang doctor na nagaasikaso kay Augustus.

Tumingin ako sa mga kamay ko na kanina pa nanginginig, pinagdikit ko ang mga palad ko para pakalmahin ang mga kamay ko pero sadyang makulit ang mga kamay ko. Yumuko ako at pinatong ang noo ko sa mga tuhod ko na nanginginig din. Calm down Aster, calm down. He'll be fine, he will. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayuko basta narinig ko nalang na lumabas na ang doctor at hinahanap kami.

"Sino sainyo ang pamilya ni Mr. Austeen?"

Agad akong nag angat ng tingin at tumayo. "Kaibigan niya po ako"

Bumaling ang tingin saakin ng Doctor "I'm sorry Miss, but we need a family member to discuss his condition"

"Nasa ibang bansa po ang mga magulang niya pati po yung kapatid niya, kami lang po ang mga kasama niya" pagpapaliwanag ko, pero umiling ang doctor na nagpainit ng dugo ko. "What do you want? Eh wala nga po dito ang mga pamilya niya. Ano po ba ang condition niya at hindi niyo masabi sabi saamin?" pigil ang tanong ko.

"I'm sorry Miss, pero crucial at confidential ang kalagayan ng pasyente, sa kamag anak lamang namin pwedeng idiscuss ang condition niya" casual na sabi ng doctor.

"Oh god" stressed na sabi ko, kung kanina ay nag-aalala ako ngayon naman ay kumukulo na ang dugo ko dahil sa doctor na 'to.

"I'm sorry, I'm late" napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko na kakarating lang.

"Thanks god you're here" pasasalamat ko dahil kundi baka kung ano na ang nasabi ko sa doctor na 'to.

"And how are you related to Mr. Austeen, Sir?" tanong sakanya ng Doctor.

"I'm Jack Berg, he's cousin. Ako ang pinadala ng pamilya niya dahil nasa ibang bansa sila, don't worry i have there consent" pagpapaliwanag niya.

"I see. Shall we talk inside?"

"Sure"

Pumasok ulit sila sa loob at iniwan akong mag isa at tulala sa labas. What the fuck was that for? Anong akala nila saakin? Statwa? Grr!

Frustrated akong bumalik sa pag kakaupo, pero this time ay sa tabi na ako nina Nicole umupo.

"That Doctor is pissing me off" reklamo ko sakanila ng makaupo ako.
"Ganun talaga, hindi basta basta sinasabi ang condition ng isang pasyente sa kung sino sino lang" alam ko naman 'yun, pero hindi pa ba sapat na kaibigan niya kami at may karapatan kaming malaman ang sitwasyon niya? Tsk.

Till He Found HerWhere stories live. Discover now