Aster

10 2 0
                                    

Kakalabas ko lang galing comfort room para magpalit, buti nalang at may mga damit at undergarments akong nakastock sa locker ko dito sa club room. Nahihiya akong lumapit sa taong prenteng nakaupo sa isang monobloc habang naglalaro ng kung ano sa phone niya.

"Hey" tawag ko sakanya. Agad niyang binaba ang phone niya at tumingin saakin.

"Tara na? Nababagot na ako dito. May class pa ako ngayong 12" bored niyang sabi.

"Mauna kana, mamaya pang 2 PM ang next class ko. May gagawin parin ako" sagot ko.

"You sure? I can stay with you"

"Yup. I can manage, kaya sige na, baka malate ka pa" pangu-ngumbinsi ko sakanya.

Tumayo siya. "If that's the case, I'll go ahead, tawagan mo nalang ako kung kailangan mo ng makakasama"

"Okay" he bid his good bye at naiwan na akong mag isa. Pero wala pang 10 segundo ay bumalik siya ulit.

"Ahm, mind if I ask niyo something?",  I nod giving my permission. "Do you have any plans after class?"

"After class, may bibisitahin ako sa sementeryo tapos de-deretcho na ako sa hospital para puntahan si Augustus. Bakit?"

"Ah nothing, sige bye" umalis na ulit siya matapos nun, weird.

Ilang minuto rin akong tulala bago mapagdesisyunan tumayo at gawin ang kanina ko pa gustong gawin.

Kinuha ko ang isang Mac book  sa locker niya. Isang buwan narin itong hindi nagagamit o nabubuksan man lang, sinubukan naming isauli sa pamilya niya ang mga naiwan niyang gamit pero tumanggi sila at ibinigay na ito saamin. Chinarge ko muna ang mac book niya dahil mukhang nadrained na ito. Tumayo ulit ako at kinuha ang ilan pang gamit niya, may nakita akong isang box na ngayon ko lang nakita dahil hindi ito pamilyar saakin, singlaki ito nang mac book niya. Kinuha ko ito at pag anggat ko, may nalaglag na isang sobre. Nagtaka ako kung ano 'yun kaya ibinaba ko sa sahig ang box at pinulot ang sobre, bumalik ako sa upuan ko at binuksan ito.

"What you see is not what you think, everything is fabricated. Open it and the truth will prevail" yan ang laman ng sulat. "Huh? Anong ibig sabihin nito?" naguguluhan kong tanong sa sarili, binasa kong muli ang sulat para mas maintindihan

"... Open it and the truth will prevail?" anong bubuksan? Anong katotohanan?

"Hmmm" pumikit ako para maintindihan ang laman ng sulat. Anong nabubuksan? Katotohanan? Alin sa mga nakikita ko ang hindi totoo? Sinong nagsisinungaling? Sinong hindi totoo saamin? "Ugh! Saan ba galing ang sulat na 'to? Bakit hindi ko maintindihan?!" san ba kasi galing ang mga salitang 'to? Baka sakaling naroon ang ibig sabihin nito, hmmm, wait "Right! Sa ilalim ng kahon nanggaling ang sulat, ibig sabihin nasa box rin ang katotohanan? Eh?"

Paanong nasa box na 'to ang katotohanan? Para masagot ang mga katanungan ko ay kinuha ko ang box inilapag sa harap ko. Hmm, paano kaya buksan 'to? Hinahanap ko ang padlock pero wala akong makita, wala atang lock 'to. Sinubukan kong buksan pero ayaw mabuksan.

"Whaaat?! Anong klaseng box ba 'to? Wala ngang lock, ayaw naman mabuksan" tatanda ata ako ng maaga dahil sa box na 'to. Inikot ikot ko ulit ang box baka sakaling makita ko kung paano 'to buksan, and I was right! Hindi susi, kundi pass code ang kailangan para mabuksan ang box, wow ah? Sosyalin. Tinype ko ang possible numbers pero wala ni isa ang tama, tsk.

"Last na 'to, 4367" pero nag vibrate lang ulit, senyales na mali ang code. "Tsk, bahala na nga yang truth truth nayan, lalabas at lalabas karin naman sa tamang panahon" tumayo na ako at ibinalik sa locker niya ang box.

Binuksan ko ang mac book niya, pero may password na naman. Ano ba, Apollo? Bat ang hilig hilig mo sa security?! Madiin ang bawat tipa ko sa mga keys dahil nabwi-bwisit na ako sa mga security nato.

Till He Found HerWhere stories live. Discover now