Augustus

7 2 0
                                    

Nagising ako ng may kung anong mabigat sa dibdib ko at nakayakap sa bewang ko. Pag mulat ko ng mata, nagulat ako nang makita ko kung ano ang mabigat sa dibdib ko at nakayakap saakin.

"HOY! TARANTADO BAKLA KA BA?!" sabay tulak ko sakanya at nahulog sa sahig, lumikha ito ng malakas na kalabog.

"Ano ba?! Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang na may nakisiksik sa kama ko?!" bulyaw niya pabalik.

"Tsk. Aminin mo na kasi, may pagnanasa ka lang talaga saakin!" natatawa ko nang sabi.

"Gago, panira ka ng tulog. Mabuti pa sa sahig nalang ako matulog tss" kumuha siya ng comforter at isang unan tsaka humiga sa sahig. "Swerte kayo mabait ako"

"Antok lang yan" kontra ko at tumalikod na sakanya bago pumikit muli.

Kanina ko pa sinusubukang matulog pero hindi ko na makuha ang tulog ko, tss badtrip. Nagdesisyon akong tumayo at lumabas ng kwarto, bumaba ako sa hagdan at dumeretcho sa kusina. Tahimik ang buong paligid na tila kahit pagbagsak ng karayom ay maririnig, tanging dim-light lang sa kusina ang nagsisilbing ilaw sa buong bahay, tumungo ako dito at in-on ang normal na ilaw at in-off ang dim-light.  Naghanap ako ng kape na vanilla ang flavor, pero puro brewed ang nakita ko, hindi ako mahilig sa brewed kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa ref at naghanap ng gatas sa loob nito pero wala rin akong nakitang gatas, what the heck? Anong klaseng bahay 'to? Wala akong magawa kaya kumuha nalang ako ng dalawang beer in can, sakto narin siguro 'to dahil masyadong maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko. Umupo ako sa isang stool na malapit sa ref, binuksan ko ang isa sa mga kinuha ko at ininom ito.


"Nakikitulog ka nalang nga, tapos kukuha ka pa ng beer ng walang paalam" muntik na akong atakihin sa puso ng may biglang sumulpot na babae sa tabi ko.

"You're giving me a mini heart attack" sagot ko habang hawak hawak ang dibdib ko.

"Did I? Sorry" umupo siya sa tabi ko at kinuha ang isang can ng beer at binuksan ito tsaka ininom.

"Bakit gising ka pa?" kalmadong tanong ko tsaka uminom ulit. I believed in the saying "Marry the woman who dance with you at 2 AM with an open refrigerator next to you" it's 2 AM, the refrigerator is next to us, but obviously we're not dancing but drinking, how could I marry her? Kidding.

"Once upon a time, I slept at my friend's house together with a man named Augustus, beside me is a man who is like a worm poured a loads of salt in bed. Due to this, I came back to my senses, and as i tried to sleep again, I found it difficult. I felt the other side of the bed empty, when I turned around I saw him walking towards the door. Later on, I decided to follow him, and as I follow that man, I saw him in the kitchen drinking beer without the owners concern" mahabang pahayag niya na medyo ikinatawa ko, if you only knew what happend, baka humahagalpak kana sa tawa.

"You don't expect me to apologize, do you?"

"What can I expect? Same old drunk Augustus" tumayo siya at binuksan ang ref para kumuha pa ng dalawang beer. Binuksan niya ang isa at ibinigay saakin ang hindi pa nabubuksan. Huli na nang malaman kong naubos na niya sa isang lagukan ang sakanya, naunahan niya pa ako. How could a normal girl do that? Tsk.

"I'm not drunk" depensa ko. "I didn't know na malakas kang uminom"

Madalas kaming mag bar, oo, pero ni minsan hindi ko pa siya nakikitang malasing o uminom ng marami.

"I did while you were gone" walang ganang sabi niya bago inubos ang laman ng can sa isang lagukan, balak atang mag lasing nang babaeng 'to.

"Paalala lang, hindi ako umiinom dito para maglasing, kundi para makatulog. At isa pa, marami pa tayong gagawin bukas, bawal ang may hang over." pagpapaalala ko dahil baka maglasing pa dito.

Till He Found HerWhere stories live. Discover now