"Leo, yan ang pangalan ng kumuha na sakanya" nasa cafeteria kami ngayon nina Zarina at Jack. Pinag uusapan ang lead na nakuha namin.
"Leo?"
"That's the problem, pangalan lang niya ang lead natin" dismayadong sabi ko.
"Sa dinami rami ng Leo dito paano natin siya matutuntun? Gesh"
"Maliit lang ang El Nido, I'm sure malapit na natin siyang mahanap" kampanteng sabi ni Jack.
I snorted. "Yea right, that's why we've been searching her for one and half year"
"Wala tayong lead nun, atleast ngayon meron na"
"All we have to do is, itrace lahat ng mga pumasok at lumabas ng Dutch sa taong dinukot siya"
"That's easy. Ang kaso kailangan pa nating pumunta sa Manila upang kumuha ng records ng mga lumabas at pumasok na OFW sa Dutch sa taong 1999 "
Napaisip kaming tatlo sa naging sagot ni Zarina. Madaling pumunta sa Manila, but we have classes. Di kami pwedeng umalis dahil malapit na ang finals ng first sem.
Napalingon ako kay Jack na pumalakpak nang may maisip na idea. "We can't travel within this month because of the near examination. But, pwede tayong makakuha ng lead through research"
"How? Isn't it illegal?" takang tanong ni Zarina.
Pinasadahan niya muna ang buhok niya bago sumagot "I'm a hacker. Not a pro, but this one is easy" yup, Jack's a hacker. Kaya siya nadin ang sinama ko dahil magaling siyang maghack, though dahil nga sa mahirap talagang hanapin ang kumuha sakanya hindi namin siya matuntun.
"Kung hacker ka, bat hanggang ngayon hindi niyo pa siya nahahanap?" nagtataka pading tanong ni Zarina.
Jack sighed. "It's not easy to trace someone who doesn't want to show up. Besidess buhay ang kapalit sa ginawa niya"
Nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa kung kailan namin sisimulan ang paghahanap once na natrace na namin ang buong pagkatao ni Leo.
Nagutom kami kaya nag order ng light meal si Jack since 9am palang. Habang hinihintay namin ang inorder ni Jack ay nakarinig kami ng bulung bulungan.
"Kawawa naman siya. Then look at Augustus, naka red pa ngayon. Seems like gustong gusto niya ang nangyayari"
"Kaya nga akala ko pa naman Augustus is a nice person tsk. Nga pala, pupunta ka sa burol mamaya? I heard sa bahay nila ang burol"
Hindi nakatiis si Zarina sa narinig naming usapan kaya tumayo ito at hinarap ang mga babaeng nagbubulung bulungan. "Excuse me? Si Augustus ba ang pinaguusapan niyo?" mataray na sabi niya.
Hindi naman siya inatrasan. "Obviously yes, how could he wore red when his best friend died?" kinabahan ako sa sinabi niya. Dahil siya nalang ang hindi ko pa nakikita ngayong araw, damn wag naman sana siya.
Tinaasan sila ng kilay ni Zarina dahil sa sinabi nito "Ano bang pinagsasabi mo? Bitch please, walang namatay. So shut the fuck up"
Nagulat yung babae sa naging sagot ni Zarina pero agad itong nakabawi "What the heck? Talaga bang kaibigan niya kayo?"
Hindi na ako nakapag pigil at sumagot nadin. "What the fuck is your problem? Can't you just get straight to the point?" iritadong sabi ko.
She crossed her arms bago sumagot. "You really don't know? Tsk. Apollo Gabriel Reyes, your best friend died yesterday because of a gunshot in his chest" para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. I was shocked, totally shocked. Hindi ako makapag salita.