Tracking shot ang kuha ko, sumusunod ako sa bawat galaw ni Aster, habang si Denver ay sa angle ni Joaquin, at kay Aster naman si Joseph. Bukod kasi sa scriptwriting, kasama din sa technicals si Joseph.
"Aray!"
Nagkabanggan na sila, kaya bumaba narin ang anggulo ko, sa una at huli lang naman kailangan ang anggulo ko, dahil yung dalawa na ang bahala kapag nag uusap, though paminsan may anggulo parin na kailangan ang kuha ko. Nakita kong pasimpleng ngumiti si Joaquin, tsk. Maganda ang takbo ng eksena, mukhang makukuha sa isang take, pero syempre, hindi ko hahayaang mangyari yun, I won't let him beat my record nung unang sabak ko.
"CUT! CUT!" see how evil i can be? I just ruined the almost perfect scene.
"AND WHAT THE FUCK WAS THAT FOR?! EVERYTHING WAS OKAY!" sorry Nics, hindi ko hahayaan na matalo niya ako *evil laughs*
"Ah e, mali kasi ang kuha ko, peace" sinubukan kong magpacute pero mukhang walang epekto sakanila. Tsk, hindi talaga maganda na nandito itong Joaquin na 'to. Sinasapawan ang kagwapuhan ko.
"Ts, get back to your proper positions!" nagmamadali silang bumalik sa kanya kanyang pwesto, pero bago makalampas si Aster saakin ay bumulo ako nang medyo malakas, sapat na para marining niya.
"Tss, pwede namang mawala na agad e, may ganyan pang nalalaman" napahinto siya ng marinig iyon, nice job Augustus, ang gwapo mo talaga. Tumawa ako ng bahagya bago bumalik sa dating pwesto.
"And... Roll!"
"Aray!" ayan na naman, maganda nanaman ang takbo ng eksena pero dahil nga sa gwapo ako, sisirain ko na naman ang eksena.
"CUT! CUT! CUT!" sigaw ko ng makikipag kamay na sana si Joaquin kay Aster. Napansin kong napatikhim silang dalawa, mukhang naiinis na. Nice job again Augustus Austeen, ang gwapo gwapo mo talaga.
"YOU FUCKING HYPOCRITE MAN! ANO BANG PROBLEMA MO?!" tumawa lang ako ng marining ang sermon si Nicole. Tumingin ako sa anggulo nung dalawa, at mukhang nagpipigil din sila ng tawa.
"Hindi ko napansin na putol pala yung kuha ko, sorry" pagpapalusot ko ulit, sinamaan niya lang ako ng tingin kaya nagpeace sign ulit ako. Pagkatapos nun, kahit labag sa kalooban ko ay umayos na ako. Maayos ang naging takbo ng unang araw ng tapping, almost 7 PM narin ng matapos kami.
"So, I guess hanggang dito nalang muna. Same time tomorrow, dito parin. It's been a long tiring day, nice job CDJ!" naghiyawan kami pagkatapos sabihin ni Nicole yun. "Dinner? Libre ko"
"As long as I want to say yes, I can't. I'm too tired" sumang ayon kaming lahat sa sinabi ni Zarina.
"Me too"
"Next time nalang"
"Ang lagkit ko na, tsaka nalang"
"Okay. Una na ako ah? See you" nagsialisan na silang lahat, ang natira ay ako, Denver, Joseph, at Aster. Inaayos pa kasi naman ang mga gamit na ginamit namin.
"Arghhh! Ang sakit ng balikat ko" rinig kong reklamo ni Joseph.
"Ikaw lang ba? Pati nga batok ko masakit e, magdamagang editing pa ako neto" sagot ni Denver.
"Kamusta naman ako aber? Buong araw umaarte, kasama ko pa yung taong kinaiinisan ko"
"Who? Joaquin? You two look okay during the set" tanong ko.
"Duh, I'm an actress, born to fake everything"
"And the Best Actress Award goes to ASTER DIONE ALONZO!" nagsitawanan kami matapos banggitin ni Joseph yun.