Aster

3 2 0
                                    

It's been days pero wala parin kaming balita kay Augustus, ngayon narin ang unang araw ng tapping namin, kung wala pa siya ay pwersahan kaming magpapalit ng makakapartner ko, and it's Joaquin Huang. Nasabi ko na bang siya yung lalaking hinalikan ako sa bar? Well, definitely not. Muntikan nang magkagulo ulit ng magtama ang mga paningin nila ni Denver, buti nalang nandun din sina Nicole para pigilan siya. Nag apologize naman si Joaquin sa ginawa niya at lasing lang din raw siya nuon, hindi ako nag apologize same as Denver dahil alam naming bagay lang sakanya yun. After the incident, naging ayos narin naman na ang lahat, not until hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakita si Augustus, ni hindi rin siya pumapasok. Pinuntahan ko siya sa bahay nila dahil baka may sakit lang, pero nagulat ako na ilang araw na pala siyang hindi umuuwi pati narin Jack, nang tinanong ko kung nasaan si Vaduke ang sabi ay bumalik na sa Dutch, duon na akong nagsimulang mag alala, andaming pumasok sa isip ko na, baka nung huli kaming nagkita ay baka iyon na ang huling pagkikita namin, baka napagtripan siya ng mga adik sa daan at napatay siya, o kaya nakidnapp, worse ay bumalik na rin sa Dutch kasama ng kambal niya at ayaw lang ipaalam. Tsk, what the heck happened to you Augustus Austeen?

Nabalin ang atensyon ko nang marinig na nagfre-freak out na si Nicole dahil sa frustration na ibinibigay ni Augustus.

"What the heck?! Hanggang kailan ba natin hihintayin ang lalaking iyon?! It's been days!" galit na bulyaw niya. "Joaquin, prepare, Gelen and Lize, pakiayusan si Joaquin, siya na ang papalit sa role ni Augustus" sina Joaquin, Gelen, at Lize ang mga pumasa sa audition, may isa pa pero wala siya ngayon dahil nagka trangkaso, Paul ata ang pangalan. Sina Gelen at Lize ang bahala sa make up at ward robe, dahil narin sa Fashion Designing ang course nila.

Nasa school kami ngayon, dito gaganapin ang pinaka unang scene ng pelikula. Kung saan, ako ay nagmamadaling naglalakad dahil late na at may makakabangga ako sa opposite way, which is ang role na gaganapin ni Joaquin and the rest is on fleek, charot. Basta ganun nayun, sa ganoong paraan rin naman kami nagkakilala ni Apollo.

"ASTER!" natigil ako sa pagbabasa ng script ng may tumawag saakin, pati ang mga kasama ko ay natigil rin sa ginagawa at sabay sabay kaming lumingon sa lalaking tumatakbo papalapit saamin. Binitawan ko ang script at sinalubong siya ng malakas na sampal ng tuluyan na siyang makalapit saamin.

"WHAT THE HECK WAS THAT FOR?!" bulaslas niya habang hawak hawak ang kaliwang pisngi niya. Hindi ako sumagot instead ay sinampal ko pa ang kanang pisngi niya. "ARAY ANO BA?!"

"THAT'S FOR NOT SHOWING UP FOR THE PAST FEW DAYS! Alam mo ba kung gaano kami nag alala hah?! Pinuntahan kita sa bahay niyo pero hindi ka pa raw umuuwi, tapos yung kambal mo bumalik na rin sa Dutch. Tapos hindi ka narin macontact! Akala ko patay kana! Sabihin mo paano ako hindi magagalit hah?!" napiyok ako sa huling sinabi ko, nasilayan kong tumataas ang gilid ng labi niya. "Ano?! Ngi-ngiti ngiti ka lang diyan?"

"You cared for me?" nanunuksong tanong niya, dang this man.

"Of course!" syempre, sa tagal na naming magkakilala kapatid narin ang turing ko sakanya pati narin sa iba.

"You also love me?"

"Of c-- What the fuck?!" dang, i didn't saw that coming.

"Tss, come on Augs stop the bullshits, ano bang nangyari sayo?" this time si Nicole ang nagsalita.

"Let's just say na napagtripan naming mag out of town. So, does my role as leading man still available for me?" prenteng tanong niya.

"Yup. Too bad, wala kang scene ngayon, so better help Denver sa technicals"

"Huh? I thought ako ang gaganap bilang Apollo?" nagugulong tanong niya.

"That's what you get from not showing up. The plot has changed, dalawang leading man ang meron si Aster dito. Your supposed to be role na si Rafael which is si Apollo in real life, ay pinalitan na ni Joaquin, bagong member ng club. And you, ikaw ang aalalay kay Gabby na si Aster sa real life kapag nawala na si Rafael" labag man sa kalooban ko pero ganun ang mangyayari, ang totoong nangyari saamin ni Apollo ang magaganap sa pelikula. At isa pa ako naman ang nakaisip na gawing contributor siya, might as well accept it, may twist naman din.

Till He Found HerWhere stories live. Discover now