"I think this is for you, I saw this letter under his bed. Pati si Augustus ay binigyan niya din ng sulat" inabot saakin ni Tita Eva na Mama ni Apollo ang sulat na ginawa niya.
Inabot ko ito "Thank you, Tita" ngumiti ito saakin bago umalis upang asikasuhin ang mga ibang nakikiramay.
Nakaupo lang ako malapit sa kabaong ni Apollo, hindi ko alam pero nakasara ang kabaong niya, hindi pinabuksan nina Tita. Hindi ko magawang humakbang papalapit sakanya upang mahaplos siya. Hindi ko magawang tanggapin na wala na siya, ang hirap at sobrang sakit. Ang hirap tanggapin na ang taong pinakamamahal ko ay wala na, ni hindi ko man lang siya nasilayan bago siya mamatay. Hindi ko magawang tanggapin na wala ako sa tabi niya sa mga oras na kailangan niya ako, sa mga oras na dapat kasama niya ako. Nagsisisi ako, sobrang nagsisisi ako na hindi kita pinilit na sumama saamin, kung bakit hindi ako nagpumilit, kung sana ay ginawa ko iyon sana buhay ka pa ngayon, sana hindi ko nararamdaman sakit na to, kung sana. Napakaraming sana, mga sanang magiging dahilan ng pagkabuhay mo. Ito ba iyon? Ito ba iyong sinasabi mo nung huli tayong magkausap? Na hindi ka makakasama dahil may importante kang lakad? Isang lakad na palayo saamin? Isang alis na wala nang balikan? Isang lakad na patungong langit?
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata kong napaka hapdi. Hapdi na dulot ng walang sawang pag iyak, hapdi na dulot ng pagkawala mo. Tumayo ako upang magtungo sa parte ng bahay niyo kung saan walang tao.
Sa pool ako dinala ng mga paa ko, wala ding tao dito dahil halos nasa loob. Tinggal ko ang sandals ko at inilubog ang mga paa ko sa pool. Binuksan ko ang sulat na bigay mo na naging dahilan nang walang katapusang pagbagsak ng mga luha ko.
Aster,
Happy 2nd Anniversary to us! Nag advance na ako dahil baka hindi na ako makaabot sa 2nd Anniversary natin. I asked my Mom na ibigay sayo ang sulat na 'to kapag nawala na ako. Kung nababasa mo ito, ibig sabihin wala na ako, ibig sabihin malaya kana kasi the moment I died, was also the time I'm letting you go. I'll tell you later why. I'm the happiest and luckiest man in this world because I had you, yes "had" because the moment you met him was the moment your feelings for me faded. I courted you for almost 1 year but it only take one second for you to love him. September 14, 2015 was the day na sinagot mo ko, I was so happy that time, we we're so happy that time. Everything was so perfect, we we're unseparable, parang anytime na magkahiwalay tayo ay mamatay tayo. I still remember how jealous you are nang makapartner ko si Zarina sa isang play, kasi akala mo may gusto siya saakin, kung gaano ka kabadtrip every time na may sweet scene, lahat yun alalang alala ko pa, everything was still vivid, again I was damn happy that time. Not until i found out something, I was diagnosed with a heart disease, nagkaroon ng butas ang puso ko, hindi mapaliwanang ng mga doctor kung bakit biglang nagkaroon ng butas ang puso ko, nagpa second test at third test din ako kasi hindi ko tanggap, sobrang hindi ko tanggap. Pero wala e, ganun padin ang labas may butas talaga at malaki na ito, hindi na kayang gamutin ng kahit na ano, binigyan ako ng taning ng doctor sabi niya 4 to 6 months nalang ang itatagal ko, last April lang yun. Kaya napaisip ako tatagal pa kaya ako? Makakaabot pa kaya ako sa second anniversary natin? Hindi ko sinabi sayo dahil ayokong mag alala kapa saakin, ayokong mahirapan ka. Kaya nag advance nadin ako dahil baka hindi na ako umabot sa 2nd Anniversary natin. Aster, I'm sorry for not telling you, I'm sorry for leaving you so soon, I'm sorry dahil mukhang hindi na ako makakaabot pa, I'm sorry dahil hindi na kita masasamahan pa, I'm sorry Aster, I'm so sorry and I love you so much.
Ps: I'm letting you go, you are free now. You can love him freely, love him the way you used to love me, please take care of him beacuse aside from us no one is caring for him.
-Apollo.
"September 12 2017, dalawang araw nalang sana Apollo dalawang araw nalang 2nd Anniversary na natin kaso hindi ka pa umabot" tumingala ako sa mga bituin, umaasang titigil sa pagdaloy ang mga luha ko. "I'm sorry for hurting you, I'm sorry dahil hindi ko napigilan ang sarili ko patawad Apollo, patawad" ngumiti ako ng may halong pait. Hindi ko alam kung gaano ako katagal akong nakatingin sa mga bituin, tumigil nadin sa pagdaloy ang mga luha ko nang tinabihan ako ni Tita Eva.
"He tried to fight, pinilit niyang magpagamot dahil sayo, dahil gusto niyang makasama ka pa ng matagal. Kaso talagang wala nang cure ang lagay niya, masyado nadaw malaki ang butas sa puso niya hindi na kaya ng gamutan" nagulat ako sa sinabi ni Tita pero hindi ako nagpahalata.
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako. "May heart transplant naman po diba? Bat hindi niyo sinubukan?"
Ngumiti ng mapait si Tita Eva bago sumagot "Ayaw niya, hindi pumayag si Apollo sa heart transplant. Dahil baka mawala daw ang nararamdaman niya para sayo at baka daw hindi maging successful at walang makitang donor"
"He's stupid" umiiling kong sabi.
Natawa ng bahagya si Tita Eva sa sinabi ko "I know. Sinabi ko sakanya na sa America gagawin ang operation pero hindi siya pumayag, susulitin nalang daw niya ang mga araw na magkasama kayo. Ayaw niyang malayo sayo Aster dahil mahal na mahal ka ng anak ko"
"I'm sorry Tita" yun lang ang tanging nasabi ko.
"You don't have to, I understand, I truly understand"
Yumakap ako ng mahigpit kay Tita Eva "I'm sorry Tita, I'm sorry, I'm really sorry" paulit ulit na sabi ko habang patuloy na umiiyak.
Apollo, I'm sorry, I'm really really sorry.