Augustus

36 5 1
                                    


"Happy Birthday Augustus! Here's my gift" bati ni Aster saakin na naka one piece ngayon.

"Thank you"

It's almost 8 pm, the party will start soon. It's a pool party, malaki naman ang pool sa bahay at malaki din ang space kaya dito namin napagdesisyunang gawin. Almost invited lahat ng party goers sa PSU and syempre hindi mawawala ang CDJ they can't miss this day, it's my day after all. This party is exclusively for teens, NO ADULTS.

"Happy Birthday Augustus! Enjoy your day!" hinalikan ako sa pisngi ni Maria pagkatapos batiin, pareho sila ng suot ni Aster naka one piece.

"Thank you"

Nilibot ko ang mga bisita ko na ngayon ay nagsisimula nang uminom ng beer. Beer first, mamaya na ang Hard. The music was good too, of course apprentice ata ni David Guetta ang kinuha naming Dj.

"Hey Augustus, cheers?" si Rafa, block mates ko.

"Cheers" sagot ko

"This is cool Augs! First time ko na umattend sa isang Pool Party!" bakas sa boses niya ang kasiyahan.

Natawa ako "Are you enjoying the party so far? "

Tumawa din ito "Of course! This is damn cool!"

Umiling nalang ako. "Raf, gotta go. Need to entertain my guests"

"Oh, okay. Happy Birthday again Augs! Nasa gift table na ang gift ko"

Umalis na ako at pumunta sa iba pang mga bisita, i was busy roaming around ng tawagin ako nina Kenneth.

"Augs dito! Beer pong tayo" kasama niya sina Apollo, Denver, Nicole at iba pang mga guest na invited.

Nakipag high five ako sakanila "Sure, kaming dalawa ni Apollo magkasama versus you and Denver. Deal?"

"How about me?" reklamo ni Nicole.

Denver laughed "Later Nicole, tatalunin lang namin si Augustus"

"What ever, pupuntahan ko nalang sina Aster" masungit niyang sabi at iniwan na kami.

Pumwesto na kami ni sa kabilang dulo ni Apollo habang yung dalawa ay nasa kabilang dulo.

"20 cups? This is basic" mayabang na sabi ni Apollo.

"Show what you got bro's! " sigaw ni Denver at nagsimula na kami.

Si Denver ang unang tumira pero napalakas kaya lumampas ito sa mga baso.

Tinawanan naman siya ni Apollo "Bro are you blind?" natatawang sabi ni Apollo tinignan lang siya ng masama ni Denver. "Alright men, watch and learn" mayabang na sabi niya.

Kumuha siya ng dalawang bola at sabay na hinagis. Parehong pasok kaya mas nagyabang si Apollo.

"See? Learn from the expert!" humahalakhak na sabi ni Apollo.

Apollo is great when it comes to Beer pong, walang nakakatalo dito. As for me, wala pading nakakatalo saakin sa beer pong. In the end, natalo sina Denver, wala nang natira sa mga cups namin while sakanila ay mga 12 cups pa. Humingi sila ng rematch pero hindi na ako nakisali dahil kailangan ko pang libutin ang mga bisita ko. Besides kaya na ni Apollo nang mag isa.

The party is going well so far, wala pang umuuwi dahil 11pm pa lang naman. I look around when someone called my name it was Aster together with Jack, nasa stage sila kung saan ang puwesto ng Dj at ng mga disco lights

"Augustus here!" tawag ni Aster saakin. "Come here birthday boy! We prepared a small program for you" umiiling ako ngunit hinila nila ako sa pupunta sa stage.

Till He Found HerWhere stories live. Discover now