Aster/Jack

19 4 0
                                    


"Apollo!" sigaw ko sa lalaking naglalakad palayo saakin. Alam kong siya iyon, hindi ako pwedeng magkamali.

"Apollo!" tawag kong muli sakanya pero hindi padin niya ako nililingon. Papalayo na siya ng papalayo saakin kaya tumakbo ako para maabutan siya. Malapit na, kunting takbo nalang mahahabol na kita, kunti nalang mahahawakan na kita. Ayan na, mahahawakan na kita---'

"Hija, gising kailangan mo nang sumilong" dinig kong tawag saakin ng isang Ale. Ramdam ko ang bawat patak ng tubig sa katawan ko, ramdam ko ang malamig na hangin na humahalik sa buong katawan ko, tila umuulan. Nagmulat ako ng mata at nakumpirmang umuulan nga. Tumingin ako sa Aleng gumising saakin, ngumiti ito saakin bago magsalita. "Kailangan mo nang umuwi, baka magkasakit ka. Hindi gugustohin ng nobyo mo na makitang mahina ka"

Tumayo na ako para ayusin ang damit ko na ngayon ay puro putik na. "Salamat po" Ngumiti ako ng tipid sa Ale bago tuluyang umalis at sumilong para matawagan si Daddy at magpasundo. Nakakailang tawag na ako kay Daddy pero hindi parin siya sumasagot. Shit pano ako makakauwi nito? Sigurado namang hindi ako papasakayin dahil maliban sa basang basa ako ay puro putik pa ang katawan ko. Mawawalan na sana ako ng pag asa ng biglang magring ang phone ko at makitang si Daddy ang tumatawag, napangiti ako.

"Yes baby?"

"Dad, can you fetch me?"

"Where are you?"

"Cemetery"

"Oh, I can't. I still have a meeting in 15 minutes. Just take a cab"

"O-okay"

"I'm hanging up, bye"

"Bye Dad" walang ganang sabi ko.

Naglakad na ako palabas ng cemetery para mag baka sakaling hihintuan ako ng isang taxi. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang panaginip ko kanina, alam kong siya iyon, hindi ako pwedeng magkamali, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi niya ako nilingon? Bakit kung kailan maabutan ko na siya ay tsaka pa ako nagising? Bakit hindi man lang niya ako kinausap?

Mahigit isang oras nadin akong pumapara ng taxi pero ni isa ay walang tumitigil. Natuyo nadin ako kasama ang putik sa katawan ko, ginaw na ginaw narin ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin tumitila ang ulan. Napaupo na ako dahil sa lamig na nararamdaman ko, nanlalabo narin ang paningin ko, mukhang magkakalagnat pa ako. Nang hindi ko na matiis ay tinawagan ko na ang taong maasahan ko sa oras na ito. Wala pang limang ring ay sinagot na niya ito agad

"Hello?"

"H-help" nanginginig kong sabi.

"Nasaan ka?"

"C--'" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nandilim na nang tuluyan ng paningin ko.

-------------

Jack

"Are you sure?"

"As of now, ayos naman po siya hintayin nalang natin na magising siya"

"Okay, thank you Manang" pumasok na ako sa kwarto ko kung saan natutulog ng mahimbing si Aster. Naabutan kong walang malay si Aster sa may waiting shed kanina, nataranta ako ng makitang wala siyang malay kaya dali dali ko siyang dinala dito.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at pinagmasdan ng mabuti si Aster. Maganda siya, matangos ang ilong, red lips, mahaba ang pilik mata, sakto lang ang puti, ang liit lang ng mukha niya damn. Napansin ko ang isang familiar na birthmark sa ilalim ng baba niya, bat ngayon ko lang 'to napansin? Damn.



Lumabas na ako ng kwarto para hayaang magpahinga si Aster. Naabutan ko namang naglalaro ng Ps4 ang kambal. Si Augustus ay halatang wala sa mood at maga pa ang mga mata, samantalang si Vaduke ay ganadong ganado. Umupo ako sa tabi nila.

"I heard the engine 1hr ago, where did you go? Date?" patay malisyang tanong ni Vaduke.

"With this heavy rain? Naah" nag aasar na sagot ko.

"Whatever Jack" ngumisi nalang ako sakanya at tsaka tahimik na pinagmasdan silang maglaro ng basketball.

Vaduke is going back to Dutch next week. Nagbibiro lang pala siya nung sinabi niyang dito na siya mag aaral. Pareho na rin sila ng kulay ng buhok ni Augustus ngayon kaya mahirap marecognize kung sino ba talaga sakanila si Augustus at Vaduke. Well as for me, hindi naman ako nahihirapan dahil bukod sa hindi marunong mag tagalog si Vaduke ay mas maputi siya kay Augustus dahil may pagkatanned na ang kulay ni Augustus. One thing I admired to the both of them is their bond, unlike other twins, Augustus and Vaduke support and love each other. Truth to be told, they are the perfect epitome of bromance.

My phone vibrated, ng tignan ko ito ay isang email galing sa isang agency ang natanggap ko, ng makita ko ang laman ng email ay dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto para kunin ang laptop at duon na binasa ang mga crucial files na natanggap ko.

Wala pa sa tamang pagiisip sina Augustus at Zarina dahil sa nangyari kay Apollo kaya mas makakabuti siguro kung hindi ko muna sasabihin sakanila ang tungkol dito. Kumuha ako ng notebook at nilista ang mga pangalan at address na pupuntahan ko ngayon. Nagbihis ako at kumuha ng jacket, i need to start right now. Tama na ang ilang taon na pangangapa.

Bumaba na ako para magpaalam sa kambal. "Augustus, Vaduke, may kailangan akong puntahan at ayusin. I'll be home around 10"

"Where are you going?"

"Saan ang punta mo?"

Halos sabay na tanong kambal. "Just around EN."

"Okay"

"Okay"

Sabay ulit nilang sagot, palabas na ako ng lumingon ako ulit sakanila. "By the way, Aster is in my room"

"WHAT?!" sabay ulit nilang sagot, kambal nga sila.

"Yea. Siya yung pinuntahan ko kanina. Wala siyang malay nang madatnan ko sa labas ng Cemetery, i panicked kaya dito ko dinala. She's still asleep kaya kayo ng bahala sakanya. Adios" patakbo naman silang pumunta sa kwarto na siyang ikinatawa ko.

Paglabas ko ng gate ay baha ang sumalubong saakin, wtf? Kailan pa nagkabaha sa subdivision na 'to? Hindi ko nalang pinansin ang baha at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.


"Block 4, Number 412, Island Hills" nasa tapat na ako ng pangalawang bahay na pupuntahan ko sa araw na 'to. Bumaba na ako at nagdoorbell agad. Wala pang isang minuto nang isang matandang babae ang tumapat saakin.

"Oh hijo, gabing gabi na. Anong maipaglilingkod ko sayo?" nasa mid 60's na ang matandang nasa harap ko ngayon.

"Dito po ba nakatira si, Mr. Leo Alvarez?" lumungkot ang mukha ng matanda sa sinabi ko pero agad naman niya itong binawi.

"Asawa ko siya. Halika at pumasok sa loob"

"Po?" nagdadalawang isip na sabi ko.

"Hinahanap mo siya hindi ba? Halika nasa loob siya, matagal kana niyang hinihintay"

Till He Found HerWhere stories live. Discover now