*classroom*
Ngingiti-ngiti akong pumasok sa classroom hanggang sa pag-upo. 'Wahahaha frens na kami ni crush.' sabi ko sa isip ko.
"Huy"biglang dumating si justin.
"Ganda ng umaga natin ah"sabi niya.
"Oo nga eh. Pero nang dumating ka pumanget na."pang-aasar ko sa kanya.
"Aba,aba...gumaganyan ka na?Sa gwapo kong 'to nakakapangit ng araw?PATAWA KA!"tsh pikon.
"Atsaka kanina ka pa nangingiti diyan muka kang aso"aba ako? mukang aso?
"Ang gwapo ko namang aso"sabi ko naman.
"Hmmm...hindi rin"kala mo naman...
"Kung muka akong aso ano ka pa?hahaha mapipikon na to.
"Aba't--
"Good morning class"
Akmang babatukan na niya ako ng biglang dumating si Maam. Hahaha ganyan talaga kami maglambingan.
"Ok lang yan bro mahal parin kita pfft~"bulong ko sakanya.Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Sumbong kita kay daehwi!"konek?
"Bakit? sumbungero ka pala"hahaha trip ko talagang asarin to ngayon.
"Hoy Samuel tigil-tigilan mo nga ako...maiba nga tayo? kamusta na yung dare?" bipolar neto...kanina nakasimangot ngayon naman nangingiting aso naman.
Tsaka anong dare--ahhh yung friends...matagal ko na ngang nakalimutan yun eh.
"Kinalimutan ko na yun"
"Aba dimo magawa no?"sabi niya.
"Magkaibigan na nga kami"
"weh?eh bat sabi mo kinalimutan mo na? bat magkaibigan na kayo?"
"Kinaibigan ko siya hindi dahil sa dare kundi dahil gusto ko siyang maging kaibigan" paliwanag ko.
"Edi wow...baka di na yan mag-kaibigan ha baka magka-ibigan na"ang ingay neto.
"Uyyyyyy"gatong pa niya.
"Mr. Justin! what's the matter?"sigaw ni maam.
"Wala maam"sagot naman ni justin.
"Then bakit parang ang ingay mo diyan? Stand up and solve the problem on the board...NOW!"yan kasi ingay ingay paktay siya hirap pa naman ng lesson namin.
"yes maam...sorry maam"paumanhin naman ni justin.
Bago siya tumayo,nilingon naman niya ako at binigyan ng 'help-me-look' tsaka ko naman binigyan siya ng 'bahala-ka-look' dinadamay niya pa ako.