"San pala tayo pupunta?"tanong ni Ami ng makalabas kami ng gate nila."Ah diko nga alam eh, hehe"sagot ko.
"What?!?!? nag-aya ka tapos...hmpt!"luh walk out.
"Huy! Ami! punta nalang tayo park hehe"habol ko sa kanya... di siya nagsalita kaya nagtuloy kami sa paglalakad.
Hmmm...may napansin ako. NAKAHOLDING HANDS KAMI! Oh my heart! Tinignan ko ang kamay naming nakahawak at tinignan niya rin ito tsaka niya hinablot ang kamay niya.
Hmpt sayang!
"Bilis gutom ako!"maktol niya.
"Opo maam nandiyan na po"
Pagkadating namin sa park ay bumili kami ng mga pagkain nako ang dami na naming nabili pero diko mahanap.yung pinakagusto ko.
"Huy! may hinahanap ka?"tanong ni Ami sa akin. Ayun nakita ko na.
"Tara may bibilhin lang ako!"sabi ko sabay hila sa kanya.
Pumunta kami sa nagbebenta ng corndogs. Yes Corndogs!
"Ano yan?"nagtatakang tanong ni Ami.
"Pagkain!"sagot ko.
"Pilosopo! pangalan ah!" be specific kasi.
"Corndogs! Masarap to!"
Matapos namin bumili ng mga pagkain ay umupo kami sa may damuhan. Sakto ganda ng panahon.
"Anong meron?"tanong niya.
"Ha? wala masaya lang ako!"
"Bakit nga?"
"Sige na nga sasabihin ko na. Nag sign ako ng kontrata sa isang ent. company magdedebut na din ako!" ngiti ngiting sagot ko.
"Ahhh ok" tanging sagot niya.
"Luh dika ba masaya para sakin?" masakit ha.
"Siyempre masaya! Sobrang Saya!" yieee..."Pag busy ka na Wala ng mangungulit sakin" ouch!
"Ang sama mo!" sabi ko sakanya.
"JOKE!" huwaw
"Improvement...nagjojoke kana ngayon ha?" I teased.
"Ewan sayo! Congrats! Wag moko lilimutan ha? Wala ng manlilibre sakin" oo naman crush kaya kita hehe.
"Oo naman, paano ko lilimutin ang girlfriend ko?" hahaha maasar nga...natigilan naman siya.
"Ano?!?!?" ilang segundo bago siya maka recover.
"Bakit? babaeng kaibigan... ikaw ha yieee" pang aasar ko pa.
"Oyyy bat ang pula mo ok ka lang?" bigla siyang namula.
"Tsh mainit lang! Kain ka na nga"mainit? di naman ah!
"Here, tikman mo masarap promise" alok ko sa corndogs.
" Ano ulit yan? corndog? Asong mais?" she joked.
"Ami! ang corny mo hahaha"
"Corny daw pero tumawa!" nakakatawa kasi siya hindi yung joke hahaha.
Tinikman naman niya yung alok ko.
"Ano masarap diba?"tanong ko.
"Ok lang"tanging sagot niya.
"Ok lang? ok lang daw eh halos ubos mo na yang isa"sabi ko...hindi naman siya nasarapan no?
"Kumain ka na nga lang diyan" sabi niya.
.
.
.Pagkatapos naming kumain ay nag bike bike kami tsaka kumain ulit haha saka kami umuwi.
Habang pauwi kami ay kinukulit niya ko na sakanya nalang daw yung binili kong corndogs. Ayaw ko nga! Kahit crush ko siya favorite ko kaya to! Tsaka inubos niya na kanina yung una kong binili.
Hanggang sa makadating kami sa harapan ng gate nila nangkukulit parin.
"Sige na akin nalang!"kulit niya.
"Ayaw nga inubos mo yung akin kanina eh!"
" Sige na kasi ah" kulit parin niya.
"Wala pumasok ka na"
"Si Justin Bieber oh!" biglang sigaw niya.
Ako naman ito biglang naniwala idol ko kasi eh!
"Oh my god! where?where?" sabi ko habang lumilingon sa paligid. Di ko namalayan na hinablot na niya sakin yung plastic na may corndog.
"Thank you Amu!" sigaw niya habang tumatakbo papasok sa bahay nila.
Natigilan naman ako dun saka napangiti. Gustong-gusto ko talaga pag tinatawag niya akong Amu hehe. Ayyy yung corndogs ko! T_T