Jami's POV
........................................................................
Kinabukasan di kami nagkikibuan ni Samuel. Ni di nga kami sabay pumasok, di rin kami nagsabay kumain. Magkasama sila nung pukritang babaeng yun. EDI MAGSAMA SILA! Pashnea nila! LAKOMPAKE!
"Beshie anyare sa inyo?"tanong ni krei sabay nguso kay Amu na nagliligpit ng gamit niya. Lunch na din kasi. Nang makaalis siya saka ako nagkwento kay Krei.
Pinakita ko sakanya yung convo namin kagabi.
"Eh aba! Di manlang tinanong ang side mo?"react ni krei.
"Pashneang babaeng yun! Gigil niya talaga ako!"
"Bayaan mo sila beshie magsama sila!" saad ko sakanya.
"Hmmm nagseselos ka beshie?"asar niya sakin.
"N-no way!"depensa ko.
"You're stuttering hahahaha"sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Tara cafeteria!"aya niya sakin.
"Maya na ako di pa ko gutom"
"You sure?"tumango naman ako.
"Wag na emo diyan ha! hahaha" asar niya bago umalis.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Hanggang sa hapon di talaga ako pinansin ni Samuel. Di rin naman ako nag abalang pansinin siya. Baka ayaw niya talaga ako kausapin.