⬇ 24

64 4 1
                                    


Pagkadating ko sa garden ay nakita ko siyang nakasandal sa puno na mukhang natutulog. Akala ko ba nagugutom nato?

Ang aliwalas ng mukha niya pag tulog.Mukhang inosente,di mukhang mataray. Madalas kasi laging nakasimangot.Ewan ko ba diyan.

Hahahaha...so kelangan pala lagi siyang tulog para muka siyang inosente.

"Alam kong maganda ako pero wag mo naman akong titigan ng ganyan."biglang salita niya...kala ko tulog.

"Yabang neto, tsaka sino nagsabing tinititigan kita? tinignan lang kita no"sabi ko.

"Palusot mo sige na kunwari naniwala nalang ako dahil libre mo"aba.

"Ah ganun? Saka ka lang mabait sa kin pag lilibre kita?"

"Oo"prenteng sabi niya.

"Oh my god ka ang yaman yaman mo napaka kuripot mo" totoo yan.

"Ganun talaga pag maganda"ayyy yabang talaga.

"oh anong konek doon?"tanong ko?

"Wala maganda kasi ako"

"Ano ba nangyayari sayo?"sabi ko.

"Tch kumain nalang tayo...masarap kumain pag libre"pauso neto.

"Nga pala bat sobrang late ka naman na ata kanina?"tanong niya.

"Oy curious"pang aasar ko naman

"Tch wag na nga lang"

"Joke lang...may ginawa kasi ako...sasali ako sa isang audition...bukas na...inayos ko lang yung requirements doon"

"Mag-auaudition ka? saan?"tanong ulit niya.

"Sa Mnet,gagawa sila ng boy group...bata palang kasi ako gusto ko nang maging idol."sagot ko naman.

"weh? ikaw? may talent ka ba?"walang tiwala to ah.

"Dancing?Singing?Rapping?Kaya ko yan"totoo naman kasi...simula bata ako,nagsasanay na ako.

"Weh? mag-wink nga dimo kaya eh"sabi niya

"eh anong konek ng wink sa talent? talent ba yun?ha?ha?"walang kakonek konek pinagsasabi niya ngayon ah.

"Oy punta ka ah support moko"pag-aaya ko sa kanya.

"Pupunta talaga ako"sabi naman niya.

"oh talaga? ang sweet mo naman"susupport niya talaga ako?

"Hep wag kang assuming mag-auaudition din yung pinsan ko kaya malamang susupport ko yun...pero wag kang mag-alala pag di ako tinamad sisigaw ako sayo"ahhh si dongho hyung.

"pano pag tinamad ka?"tanong ko

"edi di ako sisigaw"tch ang sarap talaga kausap neto no?

"Tara na malapit na mag-bell"aya niya.

Pa-fall ⬇ 김사무엘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon