OMG Lang!!! Sana maabutan ko pa siya! I took a cab at nagtungo na ng airport.Kailangan kong magsorry at masabi ang feelings ko sakanya bago siya umalis. Hindi ko naman siya pipigilang umalis eh! Sino ba naman ako para pigilan siya diba?Masabi ko lang lahat ng gusto kung sabihin ok na.
Pagkadating ko sa airport nahirapan pa akong pumasok dahil ayaw akong papasukin ni manong guard! Kesyo daw bat nakauniform pa ako! Siguro nagcutting daw ako ganun ganun! Aba, pinangaralan pa ako!
"Kuya mamaya mo na ako pangaralan dahil baka diko maabutan yung forever ko! Ikaw sisisihin ko nakuuuu!" kaya ayun pinapasok din ako. Naku ID lang pala kelangan ipakita eh.
Naghanap ako ng naghanap pero diko siya makita. Tapos biglang may narinig akong maingay na grupo at nakita ko ang mga naggwagwapuhang nilalang. Ang 101 BOIS!
Takbo agad ako sa kanila. Maingay talaga sila kahit saan! May kabutihang dinudulot naman pala ang kaingayan nila! Agad ko namang hinanap si Samuel.
"Ami anong ginaga-"diko na siya pinatapos magsalita dahil nag-sona na ako.
"Shhh Amu Sorry talaga sa pag-iwas ko sayo! Nagtampo ako kasi mas kinampihan mo si kelsey kesa sakin ni hindi mo manlang ako tinanong yung side ko! Kaya nagtampo talaga ako! Tapos bigla kitang pinatigil sa panliligaw kasi nung isang araw narinig ko kayong nag-uusap ni kelsey. Narinig kong sinabi mong mahal mo si kelsey at ako naman si tanga diko na pinakinggan lahat ng sinabi mo dahil akala ko talaga si Kelsey mahal mo! Salamat kay Kelsey dahil nalaman ko na lahat ng totoo. Sorry talaga Amu kung naging padalos-dalos ako. Ang selfish ko! Diko alam na baka sa actions ko nasasaktan na kita! But don't worry, hindi kita pipigilan sa pag-alis mo. Gusto ko lang mag-paalam sayo at sabihin ang nararamdaman ko. Amu I love you! Mahal Kita! Saranghaeyo oppa!"
Nakita ko namang nagtawanan at naghiyawan ang 101 Bois. May nagvivideo pa!
"Sino aalis?"sabi ni Samuel habang nakangiti. "Pero anong sabi mo? Mahal mo ko?"
"Ako ang aalis jami! punta ako china pero babalik din naman hehe" sabi ni...JUSTIN?!?!?
Langya nakakahiya ka jami! Nakakahiya! Nagvideo pa sila ahhhh!!! Kaya pala may tumatawa kanina!
"Di ako aalis jagiya!" sabi sakin ni samuel.
"Anong jagiya?!?!?"kunwari galit na sabi ko pero di parin siya natinag kasi nakangiti parin siya.
"Diba sabi mo mahal mo ko? Mahal din kita! So tayo na?" geez ang cringeworthy pero gashhh kinikilig ako.
"Oo na!"pagalit kunwari na sigaw ko hahaha.Naghiyawan naman ang 101 bois. Naku ang dami ng napapatingin samin. Naging center of attraction na kami!
"Ayyy napipilitan? I love you jagiya"sheez samuel!
"Thank you! I love myself, too!"pabirong sagot ko sakanya. Nagtawanan naman ang bois.
"Hoy! Mamaya na yan! Aalis na ako oh!"sigaw ni justin. Ayy oo nga pala hahaha.
Nagpaalam naman na kami sa kanya. Magbabakasyon lang pala siya sa kanila.
Nagkanya-kanya naman na kaming punta sa kung saan.
"Jagiya wait!" habol ni Amu sakin sabay hinawakan ako sa kamay. HOW TO CALM DOWN?!?!?
"Tayo na talaga ami ha!" sabi niya.
Hinarap ko naman siya sabay sabing...
"Oo nga PAFALL KA KASI!"sabay ngiti.
-THE END-