⬇ 67

46 0 0
                                    


Isang araw na naman ang nagdaan. Tinatry ko ng kalimutan ang lahat pero ang hirap. Ang sakit padin! Pero mahal ko padin. Sad!

"Mga bebes! Ebribadi! Attention sa dyosa!Palit na daw sa PE uniform kaya gora na!" announce nung baklita kong classmate. Mag pi-PE kasi kami.

Nakita ko namang tumayo sina Samuel.

"Beshie tara na sa locker magpalit"aya ni krei sakin.

Tumayo naman na ako saka sumunod sa kanya.

Pagkabukas ko sa locker ko, bumungad sakin ang isang cellphone?Di naman akin to? Hala!Magnanakaw baka naiwan niya habang nagnanakaw? Chineck ko yung gamit ko sa locker, pero wala namang nawala.

Ah may sticky note na nakadikit dito. Sabi...

Girl! Ito yung sinasabi ko sayo.You open it tapos punta ka sa sound record. Play mo yung nag-iisang recording dun. Oh ayan nagpaparaya na ako. Advice lang, wag ng tanga tanga ok? Ayusin mo na ang dapat ayusin! Tsaka pala yung iniisip mo nung isang araw. Alam mo mas maraming nadadala yung bag ni dora! Shunga ka may bulsa ba si pokemon? Baka doraemon kasi!

Nagulat naman ako. Paano niya nalam to? Eh iniisip ko lang?Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Gulat ka no? Nasa rooftop din ako nun haha! Shhh ka lang ah pero mind reader ako pero charr lang! Bumubulong ka noon kaya lang malakas kaya diko sure kung bulong yun. Anyways! Pakasaya kayo hmpt! I'll stop na here dahil di na kasya dito sa sticky notes.

~DyosangKelsey

Ang daming keme nito! Inopen ko naman yung phone. Wala namang mawawala kung ichecheck ko diba?

"Tsaka bat mo siya kinakampihan? ba? Diba ako naman ang mahal mo?  Mahal moko diba? Sino ba siya sayo?"

"Oo kelsey! Mahal kita! Oo mahal kita!"

"Pero noon yun kels! Noon yun! I moved on. And sana gawin mo na rin! At tinatanong mo kung sino si Jami sakin? Siya ang taong nagpapasaya sakin. Siya na ang mahal ko! I love her...so much! Kaya sana tigilan mo na ang paninira kels. Makakahanap ka rin ng taong magmamahal sayo"

WTH?!?!? ANG TANGA TANGA KO OMG!!!WHAT HAVE YOU DONE KANG JAMI?

"Beshie bat dika pa nakapagpalit?"sulpot ni krei.

"Omg beshie! Di muna ako papasok! Sabihin mo ah...may sakit ako oo yun nalang! Magkwekwento nalang ako later bye beshie luvyou!"sabi ko at dali daling umalis.

Kelangan ko ng mahanap si Amu! Omg ang tanga ko!

Nasan na ba siya?!?!? Ni isa sa 101 bois diko makita shemmms.Ayun si daehwi! Nakita ko!

"Dae! nakita mo si Samuel?"mabilis na tanong ko.

"Ay kakaalis lang nila"

"San nagpunta?"

"Sa airport" airport? Omg sana mali ang iniisip ko...

"Bakit?"

"Pupunta kasing China-"diko na siya pinatapos magsalita dahil tumakbo na ako agad.

Sana maabutan ko pa siya!

Pa-fall ⬇ 김사무엘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon