Uwian na.Hinahagilap ko si Jami pero diko na siya nakita.
Pagkalabas ko nakita ko siya kausap ni jinyoung. Na naman! Langya punong puno na 'ko ng selos ko. Diko na kaya.
Narinig ko na inaaya ni jinyoung si Ami na maihatid.
"Sig-"pero bago pa siya makasagot, hinila ko na siya paalis.
"Huy! Amu! Ano ba?"
"Bat moko hinila"
"Amu! wait lang"
"Aray nasasaktan ako" nang sinabi niya yun ay agad ko naman siyang binitawan.
"Ano ba problema mo? ha?"galit na tanong niya.
"Problema ko? Itong pesteng selos na to. Nakakalangya lang. Sa tuwing magkasama kayo nung lalaking yon, sa tuwing magkausap kayo umiiral tong pesteng selos na to. Pano ba naman kasi ang manhid manhid mo! Sabagay kasalan ko rin naman kasi napakatorpe ko! Diko pa kasi masabi na GUSTO KITA! OO GUSTO KITA! Oo wala akong karapatang magselos kasi hindi naman tayo pero kasi diko mapigilan. Gusto ako lang! Sabihin na nating ang selfish ko pero gusto ko nasakin lang atensiyon mo."mahabang litanya ko sabay walkout.
"Ganun ganun na lang?" pagsasalita niya kaya napatigil ako.
"Pagkatapos mong magconfess walkout na? Hayys...amu. Dimo manlang papakinggan sasabihin ko?"
"Pano kung sabihin kong...
Gusto rin kita?"at doon ay napalingon ako.
"So tayo na?"nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ulul manligaw ka muna"sagot naman niya.
"Hahaha pwede namang liniligawan kita habang tayo eh"
"Ayaw mo? edi wala"sabi niya.
"Sinong nagsabi? tara na hatid na kita."
Oh my god! What?!?!?Oh my god! Gusto rin ako ng taong gusto ko wahahaha.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Selos pa more hahaha" asar niya sakin.
"Wag ka na lalapit dun ha"
"Bakit naman? Kaibigan ko naman siya. Tsaka wala ka naman dapat ipagselos hahaha"
"Pero ang cute mo magselos wahaha"dagdag pa niya, tsk.
"Tara na nga"sabi ko sakanya at hinatid na siya.
"Sabay tayo tomorrow 'kay?"sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay nila.Tumango naman siya.
"Sige bye, goodnight"
"Goodnight"