He's Coming

238 18 7
                                    

Nasa lugar ako na hindi ko alam. This time wala nang mga flowers, wala ng mga dragonflies, nag-iba na yung settings.

Nasa desert ako ngayon. Mainit dito pero malamig yung pakiramdam ko dahil mahangin dito, pero hindi ko rin nararamdaman yung init.

Tumingin ako sa paligid ko, wala akong makikita sa malayo kundi dessert sand din. Walang tanim dito o cactus, puro sand lang yung makikita dito at isang lalaking nakatalikod sa akin.

Mas clear na siya, at hindi na blurd mode. Pumunta ako sa harapan niya para tingnan ang mukha niya.

Tiningnan niya ako at nagsmile siya.

Yung suot niya ay panluma na style. Clear na yung mukha niya. Maitim ung buhok niya at green yung mga mata niya, may lahi siya sigurong taga ibang bansa. Hindi ko din maipagkakaila na may hitsura siya at gwapo siya.

"Hera," Sandali lang, paano niya nalaman yung pangalan ko?

"S-sandali, kilala mo ako?"

"Matagal na kitang kilala?"

"Hah? Pero hindi kita kilala." Sabi ko sa kanya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, limited lang yung oras ko." Limited edition pala siya.

"P-pero, gusto kong malaman kung paa--" Tinakpan niya yung bibig ko.

"Shhh... limited nga eh, ieexplain ko nalang sa iyo mamaya." Ay, nagmamadali ata siya. "Gusto kong malaman mo na dadati--"

Nagising ako.

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon