It Hurts

197 16 2
                                    

 "Aray!" Napalakas ata yung pagsigaw ko dahil lumusot yung paa ko sa hagdan at nahulog ako.

Napansin ko agad yung light ng flashlight na papunta na sa akin.

Kailangan kong tumayo at pumunta sa garden.

Aaaaahh, napakagat ako sa ngipin ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Masakit, sobrang sakit. Ang sakit ng paa ko, parang nabalian ako ng buto, napalakas ata yung pagkahulog o paglusot ng paa ko sa hagdan.

Nakita kong papalapit na ng papalapit yung flashlight. Since hindi na ako makatayo, nagcrawl nalang ako papunta sa edge. Hinawakan ko yung paa ko, namamaga.

Kahit nagcra-crawl na ako, masakit parin yung paa ko eh, wala na akong choice kundi tiisin ito. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Bakit ganito? Bakit? Umiiyak ako habang lumalapit na yung light at narinig ko na yung footstep ng killer.

May nahablot ako na isang bagay, tela siguro ito o malaking trapo. Kinuha ko ito kahit hindi ko ito nakikita. Kinover ko yung self ko ng trapo habang naalala ko si God. Napray ako ng nagpray.

Narinig ko na yung boses niya. Kumakanta siya. Kinakanta niya yung pangalan ko at lumalakas na yung boses niya which means malapit na talaga siya.

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon