Fifteen what?

216 15 3
                                    

Those words are very powerful, alam kong iba siya at marami akong gustong itanong sa kanya. Pinapasok ko siya sa gate.

"I, suppose, pinagkakatiwalaan na kita, mabuti kang tao, hindi ba?" nagnod siya. "Wala ka bang gagawin na masama?"

"Wala nga eh, fifteen years na kitang nakakasama, edi kung gusto kitang gawan ng masama edi ginawa ko na yun fifteen years ago." Ano daw? Ano ba ang pinagsasasabi niyang fifteen years.

"Halika ka na nga sa loob" Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang siya mismo yung nauna sa paglalakad at mukhang saulado niya na ang bahay ko.

Sinundan ko lang siya hanggang sa umakyat siya sa itaas at pumunta sa kwarto ko,. Humiga siya doon na feeling comfortable, ginawa niyang unan ang kanyang kamay na finold niya sa likuran.

"Hoy, Curtis, bumangon ka diyan, akin ang kamang iyan."

"Hera, Rohan nga ang pangalan ko at sino nga ba si Curtis." Ano ba toh, wala akong maintindihan.

Pumunta ako sa bag ko at kinuha yung poster ni Curtis. Inilapit ko ito sa mukha niya at tiningnan ko. Hindi talaga ako nagkakamali, si Curtis ito, eh bakit sabi niya na siya daw si Rohan at siya daw yung lalaki sa panaginip ko?

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon