Finding an exit

200 16 1
                                    

"Gusto mo bang habulin muna kita?" at bigla siyang tumawa.

Hindi ko na siya tiningnan ng matagal pero nakita ko yung color gray na mata niya, yung desire niya na pumatay. Bakit ba may mga taong ganoon? Namamatay ng walang sapat na rason. Yung nangyari kay Rohan ganoon din. Rohan, please! Bakit ngayon ka pa wala?

Dali kong pinuntahan yung main door namin. Tinurn ko yung knob, bakit nakalock? Panong nakalock eh yung pagkakaalam ko nasa loob yung nanglalock, nakita ko ang crack sa pinto sa dulo ng knob. Sinira siguro ng killer yung pinto. Hindi na ako makakalabas dito!

Hindi pwede, Hera, kung gusto, may paraan pero kung ayaw, may dahilan. Bintana, tama! Saang parte ng bahay ko yung may malaking bintana? Naku wala, naku pawang maliliit lahat, hindi ako kasya. Sa basement lang yung tanging daan, sa dulo ng basement, kung saan may hagdan pataas, at kung dadaan ka doon makakapunta ka na sa garden ng bahay.

Tumakbo ako papuntang basment, hindi ko nakita ang killer, kung saan man siya, sana hindi niya malalaman ang binabalak ko na tumawid sa sa hagdan sa basement ng bahay.

Bumaba na ako sa basement. Madilim dito, wala akong makita. Hindi kasi gumagana yung ilaw dito sa basement, 3 years na itong hindi pinapansin at hindi rin kami masyadong pumupunta ni papa dito kasi naging tambakan na ito ng lahat ng mga useless stuffs namin.

Hindi na ako pumupunta dito, matagal na, si papa kasi yung nagtatambak dito eh, hindi ko makita ang daan pero alam ko na sa dulo nito ay makakakita ka ng hagdan papuntang garden ng bahay.

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon