His Reason

193 15 4
                                    

Narinig ko na yung boses niya. Kumakanta siya. Kinakanta niya yung pangalan ko at lumalakas na yung boses niya which means malapit na talaga siya.

Yung light, nasa akin naka harap! Siguro alam na niya. Panu yan, hindi na ako makakatakbo nabali pa kasi yung paa ko.

Nabigla ako nung kinuha niya yung kumot ko, and we revealed ourselves together. Nakita ko siya, nakita niya ako.

Nakangiti siya habang ako naman ay umiiyak, ang dumi-dumi ko na.

"Ano bang kailangan mo? Bakit gusto mo akong patayin?!"

"Ang tao kapag gustong kumain, kumakain. Ako, kung ano ang gusto kong gawin, gagawin ko." Tapos, tumawa siya ng hysterical.

"B-bakit ako?"

"Dahil nakatira ka sa bahay ko."

"A-ano? Nababaliw ka na ba paano?"

Tumawa siya ulit, this time, mahina nalang pero mayroon paring evilness sa tawa niya. "Dahil, mamamatay ka na lang din, sasabihin ko nalang sa iyo." Binitawan niya yung flashlight, hindi ko alam kung bakit. Yung light ng flashlight nakaharap parin sa akin. "Mahigit 35 years na ang nakalilipas nung ako'y namatay sa bahay na ito, at simula noon, pumapasok ako sa katawan ng mga taong mahihina, pagkatapos pagnakuha ko na ang katawan nila, papatayin ko ang mga tao sa bahay na ito."

"Ikaw din ba yung kaluluwa na pumatay sa pamilya ni Rohan?!" Ang takot ko ay nahaluan ng galit at poot.

"Ah, si Rohan, ang napakagwapong panganay ng Bourne, family. Hahaha, ako nga, Hera." Alam niya ang pangalan ko, alam niya kung sino ang mga taong pinapatay niya!

"B-bakit mo pinatay si Curtis?"

"Ah, si Curtis bah? Ang may 3rd eye,hahaha, nakita niya kasi akong sumanib sa katawang ito, papatayin niya sana ako, pero mabuti nalang at naunahan ko siya." He clapped his hands, "At ngayon ikaw yung masusunod"

Nagiging malinaw na ang lahat, tulad ng ilaw ng buwan, nakikita ko yung mukha niya, yung mga mata niya.

He raised his knife. Tumingin ako sa floor at may nakita akong dugo, maraming dugo.

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon