Tumingin siya sa likod, nararamdaman niya na parang may sumusunod sa kanya o di kaya'y may nagmamasid. Pagtingin niya ulit sa harap ay may nakita siyang isang muneca.
Linapitan niya ito.
Nagtaka siya, kanina wala siyang nakitang doll pero ngayon meron na!
Hinawakan niya ang doll, kinuha niya ito at tiningnan ng maigi. Ang doll ay malambot at nakangiti. Nagtaka tuloy siya kung two years nang hindi nagagalaw ang lupang ito, eh bakit hindi pa kinakain ng lupa ang doll na ito? At nagtaka siya kung bakit, hindi pa madumi yung doll.
Hindi mang-mang si Hera, hindi rin siya yung top scorer sa klase pero matalino siya. Nakikita niya ang butas kahit gaano pa ito kaliit, pero kahit ganoon, hindi niya ito pinansin.
"Papangalanan kitang Lizelle." Sinabi niya sa kanyang muneca.
Tumingin ulit siya sa kanyang likuran, may nagmamasid talaga sa kanya pero wala siyang may nakita kundi mga magagabong na mga bulaklak na liniliparan ng isang malaking paro-paro.
Ilinagay niya si Lizelle, ang bago niyang muneca, sa bolsa ng kanyang pantalon at simula noon, hindi niya pinapansin ang kahit anong kababalaghan na nararamdaman niya.
*edited
All rights reserved 2014
Copyright Sweetporcupine
BINABASA MO ANG
Destiny is Dream(Filipino Short-Story)
RomantizmDo you guys believe in Destiny? Pwes,dito sa short story na ito, nagpapatunay na walang destiny na hindi magkakatuluyan, in short, kapag kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo talaga, even between life and death, that's how powerful destiny is. Mee...