"Urgh! Bastos ka Bastos!" Bigla akong tumayo at hinampas siya gamit ng kamay ko, hindi ko na napigilan eh, hindi ko maimagine na nakita niya na yun panlooban ko. Oh no!
"Aray, aray, aray! Pasalamat ka nga inilapit ko yung towel mo sa pwestong mas malapit sa iyo."
"Huh? So, ikaw din yun?"
"Oo, and not to mention ako din yung naghahanap ng mga nawawala mong gamit," Narinig ko siyang nagmurmur ng something, "palibhasa kung saan saan mo lang linalagay."
"Anong sinabe mo?!"
"Wala, sabi ko maganda ka." Yeeeiiek nagblablush ako ng super."So, may tanong ka pa?" Tinanong niya ako.
"Bakit ka , you know, alam mo na,"
"Anong alam mo nang you know na pinagsasabi mo?"
"Yong ganyan, bakit ka ganyan!"
"Tatanungin ko pa ba kung naiintindihan ko"
"Okay Fine, bakit ka sumanib sa katawan ni Curtis Halifax?"
"Ahhh, yun pala." Nagkamot siya ng likuran ng ulo niya. "Eh, kailangan eh."
"B-bakit nga, sabi mo sasagutin mo lahat ng tanong ko."
"Eh kasi, kilala mo yung mailman na nagbigay sa'yo ng letter about sa vacation ng daddy mo?"
"Hindi ko siya kilala pero takot ako sa kanya." Tiningnan ko siya sa mata. "Bakit ba?"
"Siya yung pumatay kay Curtis Halifax"
*edited
All rights reserved 2014
Copyright Sweetporcupine
BINABASA MO ANG
Destiny is Dream(Filipino Short-Story)
RomanceDo you guys believe in Destiny? Pwes,dito sa short story na ito, nagpapatunay na walang destiny na hindi magkakatuluyan, in short, kapag kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo talaga, even between life and death, that's how powerful destiny is. Mee...