Bad Dream

220 13 2
                                    

Gabi na.

Now I have some guardian angel beside me, in other terms, I'm sleeping beside a dead body, actually hindi siya natutulog, kasi nga patay na yung brain niya diba so what to rest pa diba. Dito kasi siya natulog sa tabi ko dahil sabi niya babantayan niya daw ako.

Katabi ko siya ngayon and we are staring at each other. Nakatingin lang siya sa mukha ko, kapag nandito siya, I just feel safer hangang sa nakatulog na ako.

Black. Hindi ko alam kung anong lugar ito pero wala akong makita, color black lahat tapos biglang may lumitaw na isang color red na something, mailaw ito. Sinundan ko yung red na lumilipad hanggang sa tumigil siya sa paglipad at biglang lumiwanag. Nakita ko na ngayon kung nasaan ako, nasa labas ako ng bahay ko. 

Tapos, biglang may nagsalita sa likuran ko na ikinagulat ko naman. Hindi ko narinig kung ano yung pinagsasasabi niya pero pagtingin ko kung sino yung nagsasalita, nakita ko yung mailman! Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya ulit tumakbo lang ako ng tumakbo, hanggang dumilim ulit yung paligid tapos naging gubat yung paligid, tumingin ako sa paligid, napapalibutan ako ng fog na makapal. 

May nararamdaman ako na parang may tumitingin sa akin kaya tumingin ako sa likod. Pagtingin ko sa likod, nandiyan na naman siya, nandiyan na naman yung mailman at may dala siyang kutsilyo.

"Papatayin kita!" I stepped backward, takot na takot ako. Tapos, may naapakan akong sanga ng puno na natumba ako. "Rohan!" Sumigaw ako, hindi ko na maigalaw yung paa ko. Papalapit na ng papalapit yung mailman. Bigla niyang tinaas yung kutsilyo niya.

"Aaaaaaaaaaaaah!"Nagising ako sa kalahatian ng gabi, isang masamang panaginip lang pala.

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon