Explain

216 14 4
                                    

"O," Ibinigay ko sa kanya ang poster. "Tignan mo mukha mo." Umupo siya sa kama at kinuha niya sakin yung poster at tiningnan.

"Hindi ko nga mukha toh." 

 "Ah, talaga?" Kinuha ko yung small handy mirror at ipinakita sa kanya ang mukha niya. Nagulat ako ng hinawakan niya ng mukha niya at sinabing. "Temporary lang ito."

"Okay, tama na yan, madami pa akong gustong itanong sa iyo." Kinuha ko sa kanya yung little mirror at yung poster, ilinagay ko yun sa bag ko.

Kinuha ko yung chair na inuupuan ko sa tapat ng mirror, inilapit ko ito malapit sa kama at umupo sa harap niya. Finold ko yung kamay ko. "Okay, explain."

"Tanong ba 'yan? Akala ko tatanungin mo ako, hindi uutusan." Nagsusungit ba siya?

"Okay, edi inuutusan kita."

"Eh, hindi ko alam kung saan magsisimula eh."

"Umm, from the very start. Magsimula kang mag explain from the start." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang ba kung sisimulan ko sa sa katapusan?"

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Sisimulan ko sa gabi ng wakas ng buhay ko, okay lang ba?"

"So, patay ka na?"

"Oo, seventeen years na akong patay."

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon