Back to Normal

225 15 3
                                    

"Shhh... limited nga eh, ieexplain ko nalang sa iyo mamaya." Ay, nagmamadali ata siya. "Gusto kong malaman mo na dadating ako--"

Nagising ako.

Nakakainis, tama siya, limited nga yung oras namin, hindi ko alam kung ano yung gusto niyang iparating sa akin.

Walang pasok ngayon, siguro I'll just spend my time cleaning the house.

Naligo na ako, intention ko talaga na iswitch yung t-shirt ko at tuwalya, ilinagay ko yung tuwalya na mas malayo sa akin, tingnan ko ulit kung i-interchange niya ulit ito.

Pagkatapos kong maligo,.. Wala eh, hindi namoved yung tuwalya. Ganoon parin yung placement nila kaya ako yung nahirapan sa pag-abot ng towel ko.

Pumunta ako sa room ko para iclean yung mga nakakalat na mga gamit, from time to time, chinecheck ko yung door kung mag-o-open ba o hindi. Pero weird, first time na hindi na nag-o-open at nagclo-close yung door.

Wala na din akong nararamdaman na may nagmamasid sa akin, wala na din kong naririnig na taong nagsasalitang mag-isa. Bakit kaya?

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon