Nagiging malinaw na ang lahat, tulad ng ilaw ng buwan, nakikita ko yung mukha niya, yung mga mata niya.
He raised his knife. Tumingin ako sa floor at may nakita akong dugo, maraming dugo.
Tiningnan ko yung mga kamay ko, yung tiyan ko, yung ulo ko, hinimas ko ang mga ito. Wala na akong naramdaman, patay na ba ako?
Kaluluwa ko na ba ito? Tapos na ba ang buhay ko? Nagtagumpay ba ang killer?!
Paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko hanggang sa may narinig ako.
Booooooogsh
May isang malaking bagay na nahulog sa harap ko. Yung mailman! Hindi akin yung dugo na nakita ko sa sahig, kundi kay killer ito! Buhay pa ako!
Tumingin ako sa harap, nakita ko si Curtis, ay si Rohan pala. May kutsilyo siya sa kaliwang kamay niya. May bahid ng dugo yung kutsilyo.
Masayang-masaya ako hanggang sa naging blurred yung lahat, napapikit ako at di ko na namalayan na nahimatay na pala ako. Yung huli kong narinig ay yung pangalan ko na tinawag ni Rohan at bago akong natuluyang nahimatay, naramdaman ko na binuhat ako ni Rohan.
*edited
All rights reserved 2014
Copyright Sweetporcupine
BINABASA MO ANG
Destiny is Dream(Filipino Short-Story)
RomanceDo you guys believe in Destiny? Pwes,dito sa short story na ito, nagpapatunay na walang destiny na hindi magkakatuluyan, in short, kapag kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo talaga, even between life and death, that's how powerful destiny is. Mee...