What Happened After

214 15 1
                                    

"Oo, seventeen years na akong patay." Nagsigh siya. "Ang bahay na ito ay bahay ko din noon. Isang gabi natutulog ako, ang kapatid kong lalaki, si mama at si papa. Naramdaman ko na ginising ako ni mama dahil sabi niya may narinig daw siyang may kumakalas ng gate."

"Tapos?"

"Dahil antok na antok ako, sabi ko baka ipis lang yun o ano. Narinig namin si papa, sumigaw siya, dali naming pinuntahan siya sa kwarto pero nakabigti na siya. Hindi pepwedeng nagpakamatay siya, may pumatay sa kanya. Galit na galit ako noon. Hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko. Nahimatay si mama, tapos, sumigaw yung nakababata kong kapatid pero ng pumunta ako sa kwarto namin, wala akong nakita. Kundi mga dugo sa sahig, nalaman ko noon na patay na ako."

"Oh my Gush!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Nakita ng kaluluwa ko kung paano pinatay ng gagong iyon si mama at ang nakakabata kong kapatid. Pagkatapos niya akong pinatay at ang pamilya ko. Nagsuicide siya. Hindi namin alam kung ano ang kasalanan ng pamilya namin sa kanya pero ang tapos ay tapos na."

Nakikita ko kung paano siya kalungkot sa mga nangyari noon. "Eh, yung mama mo, yung kapatid at papa mo? Saan na?"

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Destiny is Dream(Filipino Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon